P1.2-B Pangasinan-Zambales road, kabilang sa prayoridad ng NEDA

Nov 11, 2017

DAGUPAN CITY – Isinama ng National Economic Development Authority (NEDA) ang Pangasinan-Zambales road bilang isa sa mga prayoridad na proyekto na isasakatuparan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula 2017 hanggang 2022.
Pinuri ni Pangasinan Second District Rep. Leopoldo Bataoil ang hakbang na isama ang kaniyang pet project nang dumalo siya sa Economic Zone Summit ng Pangasinan at La Union na inisponsoran ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) noong Nobyembre 8, 2017 sa CSI Stadia, Dagupan City.
Sa summit na pinasimulan ni PEZA Director General Charito Plaza, inilista ng NEDA regional office ang mga proyektong nakalinya para sa Pangasinan at La Union kabilang ang Pangasinan-Zambales road na naunang ipinanukala ni Bataoil sa DPWH. Ang ipinanukalang kalsada ay hahantong sa malawak na sukat ng mga lupa sa pagitan ng dalawang lalawigan.
Personal na pinangalanan ni Bataoil ang 54-kilometer Pangasinan-Zambales highway bilang “Kalikasan Road” upang mabuksan ang ibang lugar para sa eco-tourism development at maaaring maging lokasyon ng panibagong economic zone para sa Pangasinan kung saan maaaring maipatayo ang eco-tourism industries.
Daang ektarya sa lugar ng Pangasinan ay maaaring mapili bilang economic zones, ani Bataoil.
Nabigyan ng budget na P1.2 billion ng NEDA, ang panukalang Kalikasan Road na dating logging area kung saan posibleng maging eco-tourism at i-maximize sa bidding upang magdala ng maraming turista sa Southwestern Pangsinan, simula sa Mangatarem.
Ani Bataoil, ang 54-kilometer Kalikasan Road ay halos kalahati ng Pangasinan at ang natitira ay sa Zambales.
Dagdag niya pa na sa Pangasinan-Zambales road, ang travel time sa pagitan ng dalawang probinsiya ay mababawasan at magiging isa’t kalahating oras na lamang.
Inaasahan ni Bataoil na ang proyekto ay magsimula bago magtapos ang kaniyang ikatlo at huling termino sa 2019 bilang congressman ng second district ng Pangasinan. PNA / ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest