PAGLUWAG SA TRAVEL ORDER NAGBUNGA NG “TOURIST SURGE” SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY

Dahil sa pagluwag ng travel restriction ng gobyerno ay nagdulot ng “tourists surge” sa lunsod ng Baguio na kung saan ay nagdulot din ng matinding problema sa trapiko at parking area. Ayon kay Engineer Aloysius Mapalo, supervising City Tourism Officer tinatayang umabot sa 400,000 hanggang 500,000 ang dumagsang turista sa lunsod mula sa ibat-ibang panig ng bansa na diumano ay upang ma-experience ang dulot na lamig at mga bagong pasyalan na ginawa noong
buwan ng Disyembre.

Matatandaan na binuksan ng Baguio Country Club ang kanilang Christmas Village ma kung saan ay may pasabog itong ibat-ibang disenyo ng Korea at Japan na may palamuti na ibat-ibang kulay na binigyan buhay ng mga Christmas light at ang pasabog na “ man –made snow”. Nariyan din ang bagong bukas na Botanical Garden sa may South Drive na may ibatibang Christmas Lights sa mga
ibat-ibang puno, mga souvenir item mga kainan at mga manmade na hugis ng ibat-ibang hayop.

Ayon pa kay Mapalo “ the city had more than 400,000 to 500,000 tourist arrivals only in December which is much higher than the 100,000 to 150,000 recorded visitors during the previous months”. Subalit tinatayang mas marami pa sa bilang na 500,000 na turista ang umkayat dahil ayon sa syu7dad ng Baguio halos fully booked din ang mga ilang transient house na hindi naka-rekord ang bilang kaniloang mga bisitang dumarating.

Sa ngayon ay ito ang tinututukan ng syudad kung paano malalaman ang mga “tourists occupants” sa mga hindi naka rehistrong mga transient house. Ipinaliwanag ni Mapalo na nagsimulang umkayat ang mga turista noon pang buwan ng Marso nagmagdeklara ang pamahalaan ng Alert Level 1 ng Covid-19 at dito rin naipaulat ang pagpasok ng Omicron variant ng Covid-19 subalit dahil sa hindi ito “deadly” gaya ng naunang variant ay nagkaroon ng pagluwag sa mga biyahe at pagbubukas ng halos 80 porsiyento ng mga negosyo at transportasyon.

Idinnagdag pa ni Mapalo na kahit noong buwan ng Hunyo at Hulyo ,Agosto at Setyembre ay dumagsa rin ang pag-akyat ng mga turista na kung saan ay nagsimula na ring makabawi ang ilang mga negosyante lalo na ang mga hotel, restawran mga transient house at transportasyon. Noong 2019, ang Lunsod ng Baguio ay nagtala ng 1.5 milyong turista ito ay base sa mga naiulat nan g mga hotel at mga lehitimong transient house na nagbigay ng kanilang ulat hingil sa mga turistang nagcheck in sa kanilang mga establismento.

Bukod dito inaalam na rin ng lokal na pamahalaan kung paano makukuha ang mga detalye ng
mga ibang turista na nag check in sa iba pang mga transient house sa ibat-ibang barangay. Sa ngayon ay nais ipatupad ng loal na pamahalaan ang pagkakaroon ng rehistrasyon sa Visitors
Information and Travel Assistance (VISITA) sa lahat ng mga transient house sa lunsod na kung saan ito ngayon ang ginagawa ng mga hotel sa lunsod upang malaman kung ano ang eksaktong bilang nga mga dumarating na turista sa lunsod ng Baguio.

Artemio A. Dumlao/ABN

Amianan Balita Ngayon