Panagbenga Festival 2022 sinimulan na

BAGUIO CITY – Pasisinayaan ng city government officials at ng Baguio Flower Festival Foundation,Inc. (BFFFI), ang pagbubukas ng Panagbenga Festival 2022 sa Summer Capital.
Sa temang “Let Hope Bloom”,ay limitado lamang ang mga events at wala ang crowd-drawing event na grand opening, streetdancing at flower floats parade.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, ang simple at masayang ay sisimulan sa Linggo, Marso 6, sa pamanagitan tradisyunal Interfaith Opening Prayers na lalakuhan ng iba’t ibang religious group at Cordillera prayer (Uggayam) ni former Mayor at BFFFI Chairman for Life Mauricio Domogan ng alas 8:00ng umaga na gaganapin sa Panagbenga Park.
Ang Panagbenga Open Landscaping Exhibition “Gardenscapes” sa Melvin Jones football ground ay pasisinayaan din dakong alas 9:00 ng umaga at natutunghayan ang naggagandahang landscapes hanggang Marso 27.
Kasunod nito ay bubuksan na publiko ang bagong mukha ng Botanical Garden,matapos ito isailalim sa rehabilitation ng city goverment. Ang Handog ng Panagbenga sa Pamilya Baguio ay sa magaganap Marso 13 sa Melvin Jones, kasabay ang FUNagbenga Zumba, Let A Thousand Flowers Bloom, Open Painting Exhibitions, Kite flying and Cultural show.
Sa Marso 19-20 ay 9th stage of Ronda Pilipinas at 2nd Montanosa Film Festival hanggang Marso 27, samntalang ang Flower Tee-Golf ay sa Marso 25-26.
Bagama’t kinasasabikan talaga sa Panagbenga ay ang cultural dancing, ay sinabi yon kay Anthony De Leon,na posibleng magkakaroon din ng Panagbenga Open Dance competition (cultural and Festival category) sa Melvin Jones sa Marso 20 na limitado lamang ang viewers.
Isasara sa vehicular traffic ang Session Road para sa “Session Road in Bloom” sa Marso 21-27.
Ang traditional staging ng Panagbenga 2022 ay magtatapos sa Marso 27 kasabay ang makulay na Fireworks display.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon