PANAGBENGA FESTIVAL 2024, INILUNSAD

BAGUIO CITY

Sa temang “Celebrating Traditions, Embracing Innovation”, inilunsad ng Baguio Flower Festival
Foundation Inc. (BFFFI) at ng pamahalaang lungsod ang pagdiriwang ng 28th Panagbenga Festival 2024, sa city hall ground noong Disyembre 18 . Pinangunahan nina Mayor Benjamin Magalong,
Congressman Mark Go, Chairman for Life Mauricio Domogan at ng BFFFI Board of Trustees, sa pangunguna ni Frederico Alquiros, ang ceremonial unveiling ng isang buwang kalendaryo ng mga aktibidad ng Panagbenga 2024 na magsisimula sa Pebrero 1 hanggang Marso 3,2023.

Sa paglulunsad, ipinakita rin ng Baguio Central School ang isang cultural dancing performance, na sinundan ng masayang pagtatanghal ng Saint Louis University Glee Club at Marching Band.
Ipinangako ng BFFFI na higit pang pagbutihin at pagibayuhin ang pagdiriwang ng Panagbenga 2024 para sa kasiyahan ng mga residente at bisita na walang sawang sumusuporta sa makasaysayan at crowd drawing event sa Northern Luzon.

Sa pahayag ni Magalong, “Ngayon, tayo ay nagtitipon upang ipagdiwang ang mayamang tapiserya ng ating kultura, ang kagandahan ng ating mga tradisyon, at ang diwa ng pagkakaisa na tumutukoy sa puso ng mga taga-Baguio. Ang Panagbenga Festival ay isang patunay ng ating pangako na pangalagaan at itaguyod ang natatanging pagkakakilanlan ng ating minamahal na lungsod.” Sa Pebrero 1 hanggang Marso 3, 2024, ang mga opisyal na entry ng mga kalahok na propesyonal na landscaper ay itatampok sa ‘Panagbengascapes: A Garden Exhibit” na gaganapin sa isang madiskarteng lugar sa loob ng Burnham Park para sa pagpapahalaga ng mga residente at bisita.

Ang Baguio Blooms: A Market Encounter na nagtatampok ng flora and flavor fair ay gaganapin din sa buong buwang kasiyahan. Ang grand opening parade at pormal na seremonya ng pagbubukas ay gaganapin sa Pebrero 3, na susundan ng pagdiriwang ng taunang Spring Festival sa Pebrero 10.Ang
karaniwang Fresh Floral Fusion: isang school-based na kompetisyon ay gaganapin sa Pebrero 11, na susundan ng Let A Thousand Flowers Bloom: The Art of Blooming; Handog ng Panagbenga sa Pamilya Baguio: The Family Fair and the 9th annual Panagbenga kite flying challenge.

Sa Pebrero 15-17, gaganapin ang taunang Philippine Military Academy (PMA) grand alumni
homecoming sa lungsod na susundan ng paghusga sa school-based landscaping competition. Ang sikat na floral parade sa Burnham lake at ang Panagbenga Cultural Dance Competition ay gaganapin sa Pebrero 18. Ang grand streetdance parade na nagtatampok ng mga nakikip agkump itensyang contingent ay gaganapin sa Pebrero 24, habang ang grand float parade na nagtatampok ng mga kalahok na float ay gaganapin sa Pebrero 25.

Sa Pebrero 24-25, magkakaroon ng karaniwang Panagbenga Sponsors Exhibit kasabay ng pagsasagawa ng dalawang major flower festival parades. Ang isang linggong Session Road sa Bloom ay gagawing promenade area sa Pebrero 26 hanggang Marso 3, habang ang Panagbenga Flower Tee Golf Classic ay gaganapin sa Marso 1-2. Ang closing program, awarding ceremony, ang floral cadence: ang PMA silent drill competition at ang Celestial Blossoms: Panagbenga aerial fireworks display ay gaganapin lahat sa Marso 3.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon