PANAGBENGA FESTIVAL ITUTULOY SA 2022

BAGUIO CITY – Malaki ang posibilidad na matuloy na ang tradisyunal na Panagbenga o’ Baguio Flower Festival sa Pebrero 2022, pero magiging limitado lamang ang mga events at wala ang crowd-drawing event na grand opening, streetdancing at flower floats parade.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong na nakipag-pulong na siya sa mga opisyales ng Baguio Flower Festival Foundation (BFFFI) kamakailan para sa 2022 version ng Panagbenga Festival at nakashall focus lamang ito sa landscapes, heritage and cultural creativity.
Aniya, tuloy ang landscape events na ang mga organizers, participants at spectators ay kinakailangang sundin ang minimum public health standards (MPHS) at wala umanong papayagan na pagtitipon.
“Hopefully magpatuloy ang pagbaba ng COVID cases at hindi makapasok sa ating siyudad ang Omicron virus, upang madagadagan pa ang events. Patuloy pot ayong magingat at ipagpatuloy ang pagsunod sa health protocols.”
Matatandaan na naudlot ang selebrasyon ng Panagbenga noong Pebrero 2020 dahil sa pagsiklab ng pandemya, hanggang nitong Perbero 2021.

Amianan Balita Ngayon