“PAPANAGUTIN ANG TUTUONG UTAK AT GALAMAY NG CASINO JUNKET SCAM”

Umapela sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang mag-asawang Raffy at Jennilyn Floresca ng Baguio City upang agad ipawalang-bisa ang ibinabang Cease-and-desist-order (CDO)
nitong Marso 16, 2023 sa kanila dahil sa maling pagkakasangkot ng kanilang pangalan sa casino
junket scam operations. Ayon kasi sa inilabas na sertipikasyon ng Philippine National Esports League at Horizon Players Club, dalawa sa ilang mga personahe at grupong binabaan ng SEC ng CDO dahil sa casino junket operations na nambiktima ng mga “investors”, walang kaugnayan ang mag-asawang Floresa sa iligal na operasyong investment scheme.

Ngunit hanggang sa ngayon na lumampas na sa itinakda ng SEC upang sumagot at magpakita ng
katunayang dapat ma-lift ang CDO sa mag-asawang Floresca, nananatiling walang kibit-balikat ang
SEC, bagay na mariing ikinababahala nila dahil sa negatibong epekto ng pagkakasangkot ng kanilang pangalan sa casino junket operations. Inaasahan din na agaran nang resolbahin ng SEC upang bigyang hustisya ang mga biktima ng casino junket scam na kinasasangkutan ng Horizon Players Club, Philippine National Esports League, Team Z at kina Hector Pantollana, Zeus Liao Pantollana, Reymond Lacsamana Galang, Quarry Quieng, Erwin Bangalan, Kim Mejica, Daniel Agbisit, Paul Tolentino Marana, JM Almodiente, CJ Quinzon, Vanessa Mendoza Magboo, Gumba Martinada, Ronaldo Embing Renta, Neshemah Rock Lorico Renta, Maricel Raposon Cesumision, Avegail Namoc Cruz, James Christopher Tan Rojas, Joseph Junia Zabala, Maria Cecilia Tabano Vizcayano, Stephen Cecilia Dorog, Zen Carreon Humilde, Hein Carreon Humilde, Rhoda Andrada Casuga, Mikhaella Damasco Ty, Ariel Ramos Katigbak at Den Abad.

Bukod kasi sa kasong kriminal at administratibo ng sinumang magpatuloy sa pangagantsong
iskemang “casino junket financing” ng mga pinangalanan ng SEC sa CDO nito, mahigpit na pinagbabawalan ng SEC ang mga nasasakdal at kanilang mga alipores na galawin ang mga pondong naideposito sa bangko, mga ari-arian at kung ano pa mang may interes ang mga nasasakdal. Habang tumatagal ang resolusyon ng SEC kung sino ang tutuong sangkot sa casino junket operations, lumalala ang kawalan ng katarungan lalo na sa mga nabiktima ng scam.

Amianan Balita Ngayon