LUNSOD NG BAGUIO
Handa na umano ang mga otoridad ng Baguio sa pagdagsa ng mga turista sa kapaskuhan na siyang
magdudulot ng mabigat at problema sa trapiko lalo na sa loob ng central district office at sa mga lugar na kung saan ang mga tourist spot ng Baguio ay naroroon.
Ito ang naipangako ni Mayor Benjamin Magalong na pinaghandaan na umano ng tanggapan ng Baguio City Police Office sa ilalim ng Traffic Enforcement Unit at ng tanggapan ng City Engineering Office Traffic and Transportation Management Division ang isasagawang traffic rerouting at kung saan magsasara o magbubukas ng mga daanan papasok at palabas ng syudad.
“Wala namang bagong scheme yun pa rin subalit dadagdagan natin ang mga traffic enforcers at kailangan na agahan ang deployment sa kanila upang Makita agad ang maaring solusyon sa trapiko”, ani Magalong. Ani Magalong nakipag ugnayan na rin ang traffic enforcers sa transport group ng lalawigan ng Benguet na magextend sila ng mga sasakyan sa gabi upang mayroong
masakyan ang mga taga Benguet pagbalik sa kanilang mga tirahan upang maiwasan na ma-stranded ang mga ito.
Sinabi naman ni P/Lt.Col. Zacarias Dausen, hepe ng Traffic Enforcement Unit ng BCPO na madalas silang nakikipag-ugnayan kay Wilson Bumay-et Jr Presidente ng Baguio-Benguet Jeepney
Federation na kung saan ay siniguro ng grupo na maglalaan sila ng mga sasakyan sa gabi . Ani Dausen madalas ang kanilang isinasagawang traffic monitoring sa buwan ng Disyembre upang maging maayos ang trapiko subalit inamin naman niya na may mga “bottleneck” sa ilang lugar sa
loob ng central business district na kung saan ay dito nagkakaroon ng mabigat na trapiko.
Mayroon na rin silang isinasagawang traffic scheme at mga rerouting . Nanawagan rin s Dausen sa mga turista na kung maaari ay iwan na lang sa mga hotel at mga transient house ang kanilang mga sasakyan upang mabawasan ang pagdami ng sasakyan sa loob ng syudad at sa mga tourist spot. Hinikayat din niya na kung malapit din lang sa loob ng syudad ang kanilang mga tinutuluyan ay
ugaliin na lang maglakad.
Sa kanilang ulat sa trapiko ay nagkaroon ng mabigat ay suliranin sa trapiko noong Nobyembre 24 hanggang 26 na kung saan ay dumagsa ang turista sa lunsod. Iniulat din ng City Tourism Officer na si Aloysius Mapalo na umabot ng 80,000 na turista ang naiulat nitong nakaraang lingo at maari dumami pa ito sa darating na Disyembre 24 hanggang 25 na kung saan ay may mga turista na nais magdiwang ng Pasko sa lunsod.
Aileen P. Refuerzo
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024