Publiko, iniimbitahan sa pagdinig Burnham parking sa Abril 11

Iniimbitahan ang publiko sa ikalawang yugto ng pag-uusap para sa master development plan ng panukalang Burnham Park multi-level parking complex sa Abril 11, Miyerkules sa multi-purpose hall ng City Hall.
Ang panukalang parking area na may concessionaries ay matatagpuan sa kasalukuyang tourist bus parking area sa pagitan ng Baguio City National High School campus at skating rink, o kilala bilang Baguio auditorium.
Sa sulat, niliwanag ni City Secretary Brenner Bengwayan na ang building ay kinakailangang sumunod sa requirements na green architecture concept, at alternatibo sa mungkahing Ganza parking. Ang pahintulot ni Domogan na ipatupad ang proyekto ay dapat ding talakayin sa pampublikong pagdinig, ani Bengwayan.
Ang pagdinig sa Abril 11 ay nakatuon sa pagbasa sa panukalang ordinansa, ang presentasyon ng Megabuild JPG Development at RGChan and Associates, at open forum sa pagtanggap ng opinion at tanong ng publiko.
Hiniling ni Councilor Edgar Avila, committee chair on Urban Planning, Lands and Housing at co-author ng panukala, na lahat ng concerned sectors ay sabihin ang kanilang layunin, o alternatibo upang malutas ang problemang trapiko ng lungsod.
Alinsunod dito, ang University of the Cordilleras sa pamamagitan ni Architect Robert Romero, na siyang nagsagawa ng malayang pag-aaral kabilang ang pananaliksik, surveys at konsultasyon na nagbunga ng pangkalahatang pangangailangan ng amenities tulad ng parking areas at shopping centers. Ang pag-aaral, gayunpaman, ay umayon sa “walkability” ng panukala sa loob ng Burnham Park.
Sa ginanap na inisyal public hearing noong Marso 21, ang panukala ay nakatanggap ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga tagasuporta at pagsalungat sa mungkahing parking building.
Ang mall developer na XRC ay nagmungkahi ng P800 million building na may tatlong palapag na basement parking para sa 40-50 trucks/buses at 1,200 hanggang 1,500 na sasakyan, ang 6-floor building ay maaaring maka-accommodate ng mall, pasalubong center, hotel na may auditorium at library. Walang punong puputulin sa lugar, ayon sa developer.
Pag-uusapan din sa panahon ng public hearing ang iba pang kaugnay na mga ordinansa at resolusyon. A.P.REFUERZO at J.G.FIANZA / ABN

Amianan Balita Ngayon