Rehabilitasyon ng Kennon Road aprubado ng Senado

BAGUIO CITY, Oct. 15(PIA) – Kamakailan lamang ay inapruBahan ng Senate Committee on Public Works ang rehabilitasyon ng makasaysayang Kennon Road na siyang pinakamaikling daan patungo at pababa ng lunsod ng Baguio at Benguet.
Inaprubahan ng Senate Committee on Public Works ang House Bill 6491, o ang ”Act Mandating the Full Rehabilitation and Maintenance of Kennon Road”. Ayon kay Baguio City Congressman Mark Go na siyang author ng House Bill 6491na aniya ay magbibigay daan upang maging kumpleto ang pagsasaayos ng Kennon Road.
Nagpapasalamat siya aniya kay Senador Manny sa apruba ng Senate Committee on Public Works ang Highways sa naturang House Bill noong Oktubre 8, 2020. Ayon kay Kongresman Go.” The importance of transforming Kennon Road, one of the oldest and shortest route leading to Baguio City, into an all-weather road grounded on a comprehensive and scientific study”.
Isinalaysay din ni Go na oras na nilagdaan na ang house bill bilang isang batas ang tanggapan Department of Public Works and Highways (DPWH) ay magkakaroon ng sapat na kapangyarihan upang tapusin na ang full rehabilitation ng Kennon Road na magsismula sa Camp 1 hanggang Camp 6 sa panig ng lalawigan ng Benguet at Camp 7 at Camp 8 naman sa panig ng Lungsod ng Baguio.
“Ang Kennon Road, kailangan maging all-weather road, passable any time, safe at walang problema kahit na umuulan,” ayon kay Kongresman Go sa ginanap na panayam ng PIA-CAR . Anya walang magaganap na “conflict or overlap” sa scope of work base na rin sa napagkasunduan sa kanyang panig at sa DPWH dahil aniya nakasaad sa gagawing batas na ang full rehabilitation ay mula Camp 1 hanggang Camp 8.
”What we wanted was an honest to goodness total rehabilitation of Kennon Road and this is provided for in my HB 6491. Our goal is basically to have an all-weather, passable, and safe road at all times and free from landslides,” ani Go. Kilala ang Kennon Road na isa sa mga killer highway dahil sa makipot at liku-likong daan nito at madalas ay “close-open “ ang Kennon Road dahil na rin sa epekto ng mga landslide bunga ng mga bagyung dumadaan sa rehiyon ng Cordillera.
Sa ngayon ang status ng Kennon Road ay bukas lamang sa mga residente sa kahabaan ng Kennon Road na pawang nasa ilalim ng bayan ng Tuba, Benguet..
PIA-CAR

Amianan Balita Ngayon