DOH-CAR magtatayo ng Regional One Hospital Command Center

LUNGSOD NG BAGUIO – Magtatayo ang Center for Health and Development of Cordillera (DOH-CAR) ng isang regional One Hospital Command Center (OHCC) upang mapahusay ang kontrol sa COVID-19, prevention at case management sa rehiyon.
Ang regional OHCC ay nakadisenyo sa National OHCC na itinayo ng DOH sa MMDA Complex, na pangkalahatang layunin na pahusayin ang health facility coordination at referral ng suspect, probable at confirmed COVID-19 sa pagtatatag ng isang Sistema ng paglipat ng mga psyente sa naaangkop na health facilities, gayundin ang koordinasyon ng probisyon ng sapat na medical transport at pre-hospital services para sa COVID-19 response.
Sisiguruhin din ng OHCC ang makatuwirang paggamit ng medical care services sa mga ospital at iba pang health facilities na nag-aalaga sa mga pasyente ng COVID-19 sa tamang triage ng mga kaso ng COVID-19, paliwanag ni DOH Health Emergency Management Bureau Health Policy Systems and Research Fellow Melanie June Pucay sa joint coordination meeting ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council at ng Regional Task Force COVID – 19.
Iniulat ni Pucay na ang target date ng operasyon ng Regional OHCC ay sa Oktubre 23, at ang orientation ng mga stakeholders ay kasalukuyang isinasagawa. Sa isang panayam ay ibinahagi ni DOH-CAR Assistant Regional Director Amelita Pangilinan at itinalagang OHCC Command Center Manager na isasagawa ng Cordillera OHCC sa isang sistema ang mga gawain na ginagawa na ng DOH-CAR Emergency Operation System at ang Health Emergency Management Services.
Mas magtratrabaho ito sa referral ng confirmed COVID-19 cases dahil sa kamakailang pagtaas ng mga kaso at ilan sa mga ospital at emporary Treatment and Monitoring Facilties (TTMFs) ay puno na.
Magiging malaking tulong ito sa pamamahala sa mga kaso ng COVID-19 dahil ang pangunahing layunin ng Cordillera OHCC ay maayos na mai-refer ang mga pasyente sa mga ospital at TTMFs na may bakante at ikokonsidera ang estado ng mga pasyente, maging asymptomatic, mild, moderate o severe man, gayundin ang probisyon ng transport providers, kung kailangan ng mga pasyente ang isa, dagdag ni Pangilinan.
Ang Cordillera OHCC ay magkakaroon ng malakas na koordinasyon at linkages sa DOH Central at iba pang command centers, at private at government hospitals, at iba pang stakeholders.
CCD-PIA CAR/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon