STL legal – PCSO

BAGUIO CITY – Nilinaw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na legal ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa Baguio at limang bayan sa lalawigan ng Benguet.
Tinukoy ni Dr.Ernieli Pampuan-Dancel,manager ng PCSO Benguet Branch, ang Pines Estate and Gaming Corporation, ang awtorisado o’ may legal na prangkisa para sa operasyon ng STL sa siyudad ng Baguio at sa mga bayan ng La Trinidad, Tuba,Itogon, Buguias at Mankayan sa lalawigan ng Benguet.
Sa panayam ng ABN, kinuwestyon ni Dancel sa mga nagsasabing illegal ang STL. “Matagal ng legal ang STL, ginawa ito ng gobyerno para mawala ang jueteng at sa pamamagitan nito ay malaki ang ambag sa taxes na siyang ginagamit ng pamahalaan para matustusan ang mga proyekto lalong-lalo na sa kalusugan ng mga mahihirap’.
Aniya, kung may jueteng ito ay pinapatakbo sa ilalim ng Peryahan ng Bayan, na matagal ng inabolish ni Pangulong Rodrigo Duterte. “ Alam naman natin na may gustong mag-operate ng Peryahan ng Bayan sa Benguet, kaya sinisira nila ang operasyon ng STL”.
Ayon pa kay Dancel, pabor sa kanilang ahensya ang anti-illegal gambling campaign ni PNP Chief Archie Gamboa, dahil naniniwala siya na proteksyon ito sa operasyon STL sa bansa.
Nilinaw din ni Dancel na ang mga empleyado ng STL ay naka-rehistro sa kanilang tanggapan, may uniporme at may bar code ang bawat I.D,” Katunayan, may mga nahuli ng namemeke ng uniporme at ID, ito yong nag-ooperate ng jueteng, pero hindi sila makakalusot, dahil kilala ng ating mga kapulisan ang lehitiimong empleyado ng STL”.
 
ABN

Amianan Balita Ngayon