Trahedya kakambal ba ng pulitika?

Daplis Walang Mintis

SUS GINOONG MAHABAGIN!!! Ano ba ireng nangyayari sa ating bansa? Patung-patung na ang mga trahedyang humilatsa sa ating harapan. Pero andito pa ang mga samot-saring mga
kontrobersiyang kung wala kang pasensiya ay makakapatay ka ng SUROT. Yan nga ang ating upakan, mga pards kasi marami na ang napuputalan ng sintron at banas na talaga. Pero
bago sa lahat, bato bato sa langit muna hane…..

Reliefs…marami. Kung papano maiparating, yan ang problema. Dito na lamang sa Baguio…marami na ang nalikom na relief items ang ibat’ibang ahensiya at grupong-pribado
kasama na ang Maharlika Livelihood Complex. Ang problema – papaano dadalhin sa Cagayan? Ito ang dahilan kung bakit kumilos ang Tambalang- Edong Carta at Jimmy Luzano
ng Z-Radio upang makagawa ng paraan.

Salamat naman sa Bautista family at umaayuda sila. Ang seste nga…kahit pa marami na tayong nalikom na mga ayuda (kasama na ang Joquiana family na Jerry at Letty at mga ka-brigada sa Baguio- Benguet), parang kapus pa rin dahil sa maraming pangangailangan ng ating mga kababayang nabiktima ng baha sa Norte lalo na sa Cagayan. Kudos po sa lahat ng mga nag-ambag ng ayuda.

Ngayon ang panahon para tumulong sa mga biktima ng trahedya. Ito ang panahon upang maipadama ang ating pagdamay. Kudos din sa lokal na pamahalaan sa kanilang pagkilos upang masiguro ang kaligtasan at kaukulang kahandaan ng bawat kabaro natin sa ating rehiyon laban sa Covid-19. Iisa nga ang dalangin: sana mawala na ang ang sakit na ito. At sana, pagkatapos nito, hindi PULITIKA ang susunod na PANDEMYA.

Bakit nagiging kontrobersiya ang Pandemya at Pulitika? Kayo na aming kabayan ang humusga. Kasi, mula nang bumanat ang pandemyang ire…rumipike na rin ang kalimbang ng
kampanaryo ng mga brigadapulitika.  Ang masaklap, di lang pagpapa-epal ng kanilang motibo sa pultika, kundi nariyan na ang SIRAAN.

Nakakabanas na nakakahiya, pards. Pero nagaganap lagi ito sa tuwing malapit na ang eleksiyon. Dahil sa motibo, marami ang mga nagsasamantala na nagpapakitang-gilas na kuno ay mga “good samaritan” na kabisig sa pagtulong sa mga nasalanta ng trahedya pero sa likud nito ay ngiting aso…ngiting aswang…ngiting buwaya kasi meron silang pakay sa hinaharap. He he..sa puntong ito…gusto naming ihinga rin ang aming buntonghininga: putris silang lahat na demonyo ang utak sa panahong ito ng pandemya. Sorry, pards…pero sana, tapikin na sila ni Lord habang maaga pa.

Sa halip na pangkalahatan ang ayuda ng pagmamalasakit…bulsa nila ang bida. Ang timon ng lahat … motibo – pampulitika. Ang masakit, ang reaksiyon ng nakararami sa mga botante….”may araw din kayo”. Malaking aray ito, pards….na ang ibig sabihin,maraming magaganap na eksena sa darating na eleksiyon. Tsk tsk…nasisinghot na ng DAPLIS na malaking GIYERA ANG MAGAGANAP sa darating na eleksiyon dahil sa TRAHEDYA.

Bulong ng marami: nakakainis at nakakawalang gana raw ang bumoto sa darating na eleksiyon. Kasi, ang iyong pagpipilian ay mga taong gahaman sa posisyon at kita. Totoo na maaamo silang tupa sa campaign period…bida silang lahat. Malilinis lahat ang budhi. Maka-Diyos. Makamasa…. lahat ng maka-nasa kanila. Ang masakit, pag nakaupo na sila (hindi sa nilalahat) maka-demonyo na sila dahil marami na silang b u l s a n g ipinasadya.

Makakapal na ang mukha kasama ang bituka (hindi sa lahat). At sinong kawawa? Tayong magpapaupo sa kanila. Kaya, mga kasosyo sa komento….gamitin natin ang ating mga teynga, bibig, mata at …he he…bahala na kayo kung pati underwear ay kasama. Adios mi amor, chiao, mabalos.