BAGUIO CITY
Nagbabala ang City’s Meat Market Monitoring Task Force sa mga nagbebenta ng mga karne ng baboy . baka at manok na tupdin ang pagkuha ng kaukulang permit sa sa kanilang tanggapan ito ay upang maiwasan na makumpiska ito ay matapos na kumpiskahin ng tanggapan ng Mean Monitoring Task Force ang umabot na 74. 35 kilograms ng assorted meat na walang permit noong Oktubre 17, 2023.
Ayon sa ulat napag-alaman ng Task Force na may mga ibinebentang assorted meat ang mga tinder sa palengke at sa ibat-ibang satellite market sa lunsod ng Baguio. Bukod dito, nakumpiska rin ang tatlong kilo ng lutong karne ng aso sa barangay Kagitingan na agad din ipinagbigay alam sa tanggapan ng Precinct 7 ng Baguio City Police Office (BCPO) .
Ang naturang operasyon ng Task Force ay isinagawa noong panahon na ipinagdiriwang ang Meat
Safety Consciousness Week na ginaganap tuwing Oktubre 16 hanggang Oktubre 20 na kung saan ay sinusuri ng kinauukulan na dapat ligtas at malinis ang mga karne na ibenibenta sa City Market at sa ibat-ibang satellite market sa mga brangay.
Pinangunahan ng City Veterrinary and Agriculture Office (CVAO) sa ilalim ng pamumuno ni Dr.Sulardo Bested kasama ang tanggapan ng National Meat Inspection Service (NMIS) City Health
Services Office sanitary Division , City Treasurer’s Office market division ,Food and Drug Administration (FDA) at ang Public Order and Safety Division (POSD).
Sianbi naman ni Bested sa lahat ng mga meat handler at mga stakeholder na panatilihing malinis , malusog ang mga karne na ibinebenta sa mga pamilihan upang ligtas din sa sakit ang mga mamimili . Aniya “ CVAO continues to strictly implement rules and regulations to promote food
safety and ensure that the meat and meat products sold at the city’s markets are clean and safe for consumption”..
Gaby B. Keith
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024