WARRIOR’S NEST, KINAGIGILIWAN SA LA TRINIDAD

LA TRINIDAD, Benguet – Kinagigiliwan ngayon ang ‘Warrior’s Nest’ na binuo ng mga tauhan ng 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company (PMFC), na matatagpuan sa Communal Forest ng Barangay Wangal, La Trinidad, Benguet.
Ang “Warrior’s Nest” ay produkto o’ binuo ng Benguet 2nd PMFC sa tulong ng La Trinidad LGU ay magsisilbing libangan ng mga kabataan,
dahil ito ay may mga obstacle courses at children’s park na open sa public for free.
Ang makabangong libangan ay ipinagkaloob ng LGU at DENR-Benguet sa pamamagitan ng pag-adopt ng Benguet 2nd PMFC noong Hunyo 2,2021 at pinasinayaan noong Disyembre 10 nina Gov. Melchor Diclas at Mayor Romeo Salda.
Labis na hinangaan local officials ang effort ng nasabing mobile company sap ag-adopt sa lugar at gawin itong isang atraksyon at libangan ng mga kabataan.
Nagpasalamat din ang Benguet PPO sa suporta ng provincial at municipal government ng La Trinidad sa mga proyekto at programa na kanilang isinusulong para sa bayan. Hinihiling nila na sa mga magtutungo sa lugar na sundin ang Do’s and Don’ts Rules ng loob ng park.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon