14 marijuana courier, huli sa checkpoint

LA TRINIDAD, Benguet – Labing-apat na katao, kabilang ang isang menor de edad ang nasakote sa police checkpoint habang bitbit ang mahigit 3,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuama sa may Bontoc-Kalinga Road, Barangay Caluttit, Bontoc, Mountain Province.

Nabatid kay Police BGeneral Israel Dickson, regional director of the Police Regional Office-Cordillera ang mga nadakip na pawang taga-lalawigan ng Tarlac, na galing umano kay Apo Wangod at Buscalan, Tinglayan, Kalinga, at nang pabalik na sa kanilang lugar ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya ukol sa pagdadala ng mga ito ng mga marijuana brick.

Kinilala ang mga dinakip na sina Robert Bautista Sosa, 19, operator ng International Wiring System; Julius Maynete Carbao, 22; David Kim Tacusalme Ocampo, 23; Miguil Lorente Irieman, 24, sales agent; Ralph Cabral Basilio, 24; John Paul Avana Calimlim, 24; Jomar Lee Sicat Maynete, 24; Michael Buan Reyes, 26; John David Ibale Tapar, 31, driver; Benjamin Ibale Tapar, 24; Clarisa Bautista, 23, online seller; Audie Ramos Galany, 49, businessman; Princess Ibale Galany, 37, bank employee; at isang 17 anyos na menor de edad.

Nakuha sa kanila ang tatlong marijuana bricks na may bigat na 3,000 grams, dalawang rolyo ng mga tuyong dahon ng marijuana na may timbang na 31 grams, isang gramong naka-zip lock na mga pinatuyong dahon ng marijuana, at anim na gramong pinatuyong dahon ng marijuana. Ang mga nasamsam ay may kabuuang street value na P364,560.00.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon