Miyembro ng rebel group, sumuko sa batas

LA TRINIDAD, Benguet – Isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group na ngayon ay kasapi sa Militia ng Bayan, ang boluntaryong sumuko sa Benguet Provincial Police Office, noong Setyembre 24.
Kinilala ni Police Colonel Elmer Ragay,provincial director, ang sumuko na si Denver Cleto Lictag Simon,alyas Fuji, ng Dalupirip,Itogon,Benguet.
Isinuko din Simon ang kanyang armas na U.S. Carbine Cal 30 M2 bearing Serial Number 1306412 with two magazines at tatlong a live ammunitions, Caliber 45 pistol without serial number at isang inserted magazine with no ammunition at isang Fragmentation Hand Grenade M67.
“ Sinubaybayan siya ng ating mga tauhan at patuloy ang pagkunbinse sa mga pamilya nito na himukin si Simon na magbagong-buhay at matulungan mula sa mga programa ng pamahalaan, na dikalaunan ay tumugon tio,” pahayag ni Ragay.
Ayon kay Ragay, si Simon na noon ay nasa CTG ay nagooperate sa mga lalawigan ng Benguet, Abra, Mountain Province, ILocos Sur (BAMPIS) at No.43 sa ilalim ng Kilusang Larangan Gerilya (KLG), bago ito naging runner at supporter ng Militia ng Bayan at naitala sa Periodic Status Report on Threat Groups noong 2nd quarter ng 2015.
Samantala, nadakip ng mga tauhan ng La Trinidad Municipal Police Station ang drug pusher na si Alexander Chavez Gucilatar,45,driver, ng Barangay Puguis,La Trinidad, Benguet, noong Setyembre 23 at nahulihan ng isang sachet ng shabu, kasama ang P3,000 boodle money na ginamit sa operation.
Sa patuloy na marijuana eradication ng BPPO, mahigit sa P612,000.00 halaga ng mga tanim na marijuana ang pinagbubunot at sinunog mula sa nadiskubreng plantasyon sa Sitio Bacbacan, Barangay Poblacion, Kibungan, Benguet.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon