15 pasahero ligtas sa aksidente sa Kapangan

Nasa labin-limang pasahero kabilang ang driver ng isang pampasaherong jeepney mula lungsod ng Baguio papuntang Kapangan, Benguet ang himalang nakaligtas sa kamatayan gabi ng Lunes matapos mahulog ang kanilang sasakyan sa isang 250 metrong bangin.
Pinangalanan ni Cordillera police director PBGen, R’Win Pagkalinawan ang mga nakaligtas na sina : Estrella Waclin; Lani Waclayan; Corazon Lacwayan, Dexter Buyao; Jonard Alejandro; Winnie Manuel; Jovie Langawan; Jemaima Langawan; Jonie Jade Assan; Marion Polon; Josephine Dagdag; Ritch Brandon Carino; Chay-an Langcao; lahat mula sa Barangay Gadang, Kapangan, Benguet; at isang di-nakilalang babae na walang malay nang marescue; at drivere na si Carlito Manuel.
Binabagtas ng pampasaherong jeepney ang Sagubo-Gadang Provincial Road, partikular sa barangay Mucbo sa Sagubo, Kapangan nang umano’y sumadsad ang sasakyan at nahulog sa bangin, ani Pagkalinawan.
AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon