2 FURNITURE SHOP NASUNOG, 1 PATAY

TUBA, Benguet – Dalawang magkatabing woodcarving/furniture warehouse ang tinupok ng apoy sa hindi pa malamang kadahilanan, na ikinamatay ng isang wood carver sa may Kilometer 6, Greenwoods Subdivision, Barangay Tadiangan, Tuba, Benguet.
Sa ulat ng Buureau of Fire Protection-Tuba, ang unang furniture shop ay pag-aari ni James Kidungen Jr, 38 at ang ikalawa ay pag-aari ni
Dexter Bucasan, 34, kapuwa sa Km.6, Asin Road, Tadiangan, Tuba, Benguet.
Ayon sa BFP-Tuba, nakatanggap sila ng tawag dakong alas 11:00 ng gabi ng Nobyembre 11, na may nagaganap na sunog sa nasabing lugar at agad na nagresponde, kabilang ang BFP-Baguio.
Idineklarang fireout ni SFO2 Roger Dela Cruz,ng BFP-Tuba ang lugar dakong ala 1:17 ng umaga ng Nobyembro 12.
Sa imbestigasyon isang sunog na bangkay ang natagpuan sa furniture shop ni Kidungen Jr. Kinilala ang biktima na si Luis Binwag Munliting, 22, single, laborer, tubong Ifugao at residente sa nasabing shop.
Tinataya na nasa 7 million halaga ang na natupok.
Zaldy Comanda(ABN)

Amianan Balita Ngayon