2 peddlers huli sa P1.3M marijuana bricks

Camp Dangwa, Benguet – Kalaboso ang dalawang peddlers ng iligal na droga, matapos malambat sa isinagawang buy-bust operation at mahulihan ng P1.3 milyong halaga ng marijuana bricks sa Tabuk City,Kalinga.
Sinabi ni BGen. Ronald Oliver Lee, regional director ng Police Regional Office- Cordillera, magkasanib na tauhan ng PDEA, PIU/PDEU CPPO, PDEG SOU2, Kalinga PPO, RPDEU, RSOG at RID, ang nagsagawa ng drug operation na ikinadakip ng mga suspek na sina Cindy Paclay Addawi, 40 at Saldy Solog Wasigan,28, na kapuwa nakatala bilang Street Level Individiual (SLI) sa Tabuk City.
Ayon kay Lee, ibinenta ng mga suspek sa poseur buyer ang 10 bricks of dried marijuana leaves at fruiting tops, na may timbang na 11,000 grams at may Standard Drug Price na P1,320,000.00, noong hapon ng Hulyo 30 sa buy-bust operation na isinagawa sa Sitio Bakras, Brgy. Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga.
Nabawi ng pulisya ang boodle money na ginamit sa operation at nakumpiska ang isang cellular phone at Honda RS 150 motorcycle, na isinailalim sa inventory at sinaksihan ng mga barangay officials.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon