2 PULIS NA SANGKOT SA PAGDUKOT AT PAGPATAY, SUMUKO

BAGUIO CITY – Labis na ikinalungkot ng Police Regional Office-Cordillera ang pagkakasangkot ng dalawang pulis sa brutal pagkamatay ng isang sibilyan na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang ulo nito.
Sa official statement na ipinalabas ni Police BGen.R’win Pagkalinawan, regional director, “Personally I am saddened and shocked that a crime this brutal was committed by members of our Police Force. Though historically we know that beheading enemies used to be a part of the culture of the Cordilleras, in these modern times, it is anathema to contemporary society.”
“This singular event brought down the morale of the whole Police Force of Cordillera but it is worth noting that it was we ourselves who investigated, identified and be the ones to file the case against the perpetrators, notwithstanding the fact that they are our brothers in arms.”
“We reiterate that this is an isolated incident. We will always remain guided by the Directive of our Chief, PNP, PGen. Debold Sinas, not to condone nor tolerate any wrongdoing of our men.” Ayon kay Pagkalinawan, sa kabila ng insidenteng ito, ang PROCOR ay nananatiling committed sa paghahatid ng mahusay na sebisyo sa publiko at tagapagtanggol laban sa karahasan sa buong rehiyon at handang gawin ang lahat upang mapanatili ang imahe ng tinatawag na Cordillera’s Finest.
“Nakikiramay po ang PROCOR sa mga pamilya ng biktima at umasa na gagawin naming ang lahat para maibigay ang tamang hustisya.”
Kaugnay nito, pansamantalang isinara ang tanggapan ng Regional Drug Enforcement Unit (PROCOR-RDEU), upang bigyan-daan ang masusing imbestigasyon kaugnay sa pagkakasangkot ng dalawang miyembro nito sa pagdukot at pagpatay sa biktimang si Harjan Payco Lagman,25, ng Barangay Irisan, Baguio City, noong Nobyemre 12,2020.
Ang dalawang pulis na hindi muna pinabanggit ang pangalan habang isinasagawa ang imbestigasyon at sa pagsasampa ng kaso, ay nasa kustodiya na ng pulisya. Sa kumalat na video sa social media ay nakita ang limang katao na dinukot ang biktima, na naging daan sa malawakang imbestigasyon, hanggang sa matukoy ang mga salarin.
Nakita ang bangkay ng biktima na walang ulo dakong alas 4:40 ng hapon ng Nobyembre 12 sa Sitio Golon, Barangay Ambassador, Tublay,Benguet at nakilala ito ng magulang sa damit nitong black shirt, black jogging pants at peklat sa kaliwang paa.
Zaldy Comanda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon