Mga suspek sa pagpatay sa mamamahayag sa Pangasinan arestado

C AMP OSCAR FLORENDO, La Union – Ipinahayag ng Police Regional Office 1 na ang “gunman” sa pagpatay sa isang journalist radio commentator at kolumnista, Virgilio ‘Vir ’ Maganes ay naaresto na.
Kinilala ni PRO1 Regional Director Police Brig. Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang suspek na si Noe Pelle Ducay na kilala rin bilang “Oweng”, saing residente ng Barangay Carosucan Sur, Asingan, Pangasinan. Sa ulat ni Azurin kay Chief PNP, Police General Debold M. Sinas, noong Disyembre 9, 2020, isang search warrant para sa Violation of Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act) na inilabas ni Executive Judge Hon. Tita S. Obinario, RTC, first judicial regional, branch 45, sa Urdaneta City, Pangasinan ay ipinatupad laban sa suspek na si Noe Pelle Ducay.
Nakumpiska mula sa suspek sa panahon ng implementasyon ng search warrant ay ang sumusunod na mga piraso ng ebidensiya gaya ng isang Cal. 357 revolver Smith and Wesson na may SN 91417; 4 piraso ng bala para sa cal. 38 revolver; isang piraso ng kulay itim na gun case na may sticker 11-A1 cal. 45 ACP pistol na antakpan ng isang face towel.
Matapos maaresto si Ducay ay inaresto rin si Romar Bustillos isang tricycle driver matapos positibong kilalanin siya ng isang saksi na diumano’y siya ang “spotter”. ”Once again, this proves the unwavering efforts of this administration in bringing justice to perpetrators of media violence. I congratulate the PNP for their prompt action on the Maganes case,” ani Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Undersecretary Joel Sy Egco.
“Even in this time of pandemic, the PNP finds a way to pursue significant and high profile criminal targets, including those responsible for attacks against journalists. I commend PNP Regional Director BGen Jun Azurin and the Pangasinan PPO for their focused approach on the case, which ultimately resulted in the arrest of the suspects,” dagdag ni PTFoMS Co-Chair at Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.
Sinabi ni Azurin Jr. na maingat na plinano ng Pangasinan police ang pag-aresto kina Ducay at Bustillos matapos matiyak ang kanilang pagkakasangkot sa pagpaslang.
Noong Disyembre 9, 2020 ay inilabas ng Urdaneta City Crime Laboratory ang computerized facial sketch ng hinihinalang gunman base sa mga testimonya ng mga saksi. Agad na ipinatupad ng Crime Investigation and Detection Group ng Pangasinan provincial police ang isang Search Warrant sa bahay ni Ducay kung saan natagpuan ang mga baril.
Mula sa listahan ng umano’y mga miyembro ng “guns-for-hire” na ang-ooperate sa Pangasinan ay positibong kinilala ng isang saksi si Ducay na isa sa gunmen na bumaril kay Maganes. Sumailalim si Ducay sa inquest proceedings at isang kaso ng Violation of RA 10591 ang ipinila laban sa kaniya sa ilalim ng Criminal Case No. U-2643. Naglagak ng piyansang PhP100,000.00 ang suspek para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.
Isang kaso ng murder ang pormal na ikinaso laban kina Romar Bustillos, Noe Pelle Ducay at ilang John Does sa pamamagitan ng Regular Preliminary Investigation docketed under NPS-01 01FINV- 20L-00264, noong Miyerkoles (Dec. 16, 2020).
Noong Nobyembre 10 ay pinagbabaril si Virgilio “Vir” Maganes, isang mamamahayag sa Pangasinan ng di-nakikilalang mga salarin sa loob ng residential compound ng biktima sa Sitio Licsab, Barangay San Blas sa Villasis, Pangasinan. Nakaligtas si Maganes sa tangkang pagpatay sa kaniya noong Nobyembre 8, 2016 dahil nagpataypatayan ito.
EB/AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon