Tinutugis na rebeldeng NPA sa Cagayan nahuli sa Pangasinan

PANGASINAN, San Fabian – Isang komunistang rebelde na wanted sa Cagayan para sa iba-ibang teroristang gawain ang nahuli sa barangay Mabilao, San Fabian, Pangasinan noong Lunes.
Si Allan Rey Balanay y Agbayani, 48, residente ng No. 368 Kalayaan Street, Quezon City at nakalista bilang “No. 8 sa Periodic Status Report on Threat Groups ng Region2” ay wanted sa murder, frustrated murder at paglabag sa RA 9516 (Illegal Possession of Explosives) at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition).
Sinabi ni Cagayan Valley police director Brig. Gen. Crizaldo Nieves na si Balanay ay nahuli bandang 10:15 ng gabi noong Disyembre 14, 2020 ng mga pulis mula Cagayan Valley at Ilocos Region Regional Intelligence Divisions, mga pulis ng bayan ng Gattaran, mga pulis ng probinsiya ng Cagayan, pulis ng San Fabian, counter intelligence police mula sa Cagayan Valley at Ilocos Region police, intelligence operatives mula Cagayan Valley at Ilocos Region police, Naval Intelligence Services Group ng AFP na angsilbi ng warrant of arrest sa kaniya.
”The arrest of Balanay is a result of the intensified campaign against CPP-NPA members who have standing warrants for criminal charges.” Ayon kay Nieves, si Balanay ay sangkot sa isang serye ng masasamang gawain ng NPA kabilang ang panggigipit sa mga tropa ng gobyerno, pagnanakae, pangingikil at pagsunog sa mga heavy equipment.
AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon