22 suspek sa Espino ambush kinasuhan na

LINGAYEN, Pangasinan – Nagpila na ang Philippine National Police (PNP) noong nakaraang Martes ng dalawang bilang ng murder at apat na bilang ng frustrated murder laban sa 22 suspek sa pag-ambush kay dating Pangasinan Congressman Amado Espino Jr.

Sinabi ni PNP Ilocos regional director Brig. Gen. Joel Orduña na ipinila ang mga kaso sa City Prosecutor’s Office sa San Carlos City base sa “sufficient forensic examination and other pieces of evidence.” Pinangalanan ng PNP sina Albert Palisoc, alias “Alvin Pascaran/Mark Anthony Palisoc;” Armando Frias, alias “Jong;” Benjie Resultan; Joey Ferrer; Ronnie de los Santos; Gerry Pascua alias “Kagawad Guapo;” Sherwin Diaz; Teofilo Ferrer, alias “Pong;” isang
Russel, alias “Sel;” Jewel Castro; John Paul Regalado; Alfred Pascaran; at 10 pang iba na ‘John Does’ bilang mga masterminds, financiers, conspirators at accessories sa murder case.

Sina Castro at Regalado ay mga may-ari ng dalawang sasakyan na napaulat na ginamit ng mga salarin, ayon sa police. Subalit kahit nagpila na ng kaso, sinabi ni Orduña na hindi pa sarado ang kaso dahil kinikilala pa ng mga imbestigador ng Regional Special Investigation Task Group (RSITG) ang mastermind.

“We are not yet considering this case closed as we are still in the process of identifying the mastermind in case we have enough evidence,” ani Orduña sa isang press conference na ginanap sa Pangasinan Police Provincial Office (PPPO).

Sinabi ni Orduna na ang motibo sa pag-atake ay di pa nababatid ngunit titinitingnan ngpolice ang lahat ng isyu kabilang na ang politika, agawan sa negosyo at personal na alitan.

“It is the 20th day of the case, marami pang gagawin. Nakapag-file na tayo ng kaso sa mga suspects pero ang legwork hindi pa tapos and we will go deeper until such time we will arrest all those involved,” paliwanag ni Orduña.

Samantala ay nagpasalamat ang mga pamilya ng driver ni Espino, Agapito Cuison at security aide Richard Esguerra na namatay matapos ang pananambang sa m police sa kanilang pagpupursige na mahuli ang mga suspek.

“Salamat sa inyong lahat, ang hangad ko tålaga ay katarungan para sa anak ko,” ani Pacita Esguerra, ina ng namatay na pulis.

Sinabi ni PPPO provincial director Redrico Maranan na nagpalabas ang police ng PhP300,000 na tulong pinansiyal mula sa President’s Social Pension Fund na nakalaan sa mga namatay na kabaro na si Esguerra.

Isang tulong sa paglilibing na PhP100,000 mula sa Office of the President ang ibinigay din sa nagdadalamhatig pamilya habang nagbigay din ang pamahalaang lalawigan ng tulong pinansiyal para kay Cuison.

AMB/VHS/PIA Pang.’PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon