23 PUIs sa Baguio negatibo sa test

LUNGSOD NG BAGUIO – Sinabi ng pamahalaang lungsod noong Martes (Abril 7) na 23 patients under investigation (PUIs) at health workers na sumailalim sa rapid testing noong Abril 4 ay nag-negatibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Hinihintay pa ng pamahalaang lungsod ang mga resulta ng 36 iba pa na kinuha ang kanilang swab samples noong Abril 6.
Noong Abril 2 ay ibinigay ang go-signal ni Mayor Benjamin Magalong para sa rapid tests matapos konsultahin ang mga awtoridad sa kalusugan upang pabilisin ang identification ng mga naimpeksiyon at magawa ang kanilang gamutan, isolation at contact tracing.
Ginagamit sa testing ang 400 kits na donasyon sa lungsod, na magiging sapat para sa lahat ng PUIs na nakahome quarantine. Ang mga PUIs na may mild symptoms na magpo-positibo sa test ay sasailalim sa confirmatory tests habang ang mga nag-negatibo ay ipagpapatuloy ang 14-day quarantine.
Sinabi ni City Health officer Dr. Rowena Galpo noong Lunes (Abril 6) na mayroong 390 PUIs ang lungsod na nasa home isolation.
LA-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon