3 arestado sa buy-bust operation

Tatlong katao ang arestado sa naganap na buy-bust operation bandang 12:45 ng madaling araw noong Marso 19 sa loob ng Molly’s Inn, Kayang Street, Baguio City.
Ang mga tauhan mula sa Drug Enforcement Unit (DEU), City Intelligence Unit, Station 7, at City Public Safety Company (CPSC) ang nagsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkahuli ng mga suspek na kinilala sa kanilang alyas na sina “Andoy”, 33 anyos, kargador, at residente ng Dominican Hill, Baguio City; “Motit”, 40, drayber; at isang dalagita na out of school youth, kapwa residente ng Purok 6, Upper Km5, Asin Road, Irisan, Baguio City.
Nakumpiska ang 16 heated-sealed pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 2 gramo na nagkakahalaga ng P15, 000, isang pakete ng hinihinalang marijuana na may bigat na humigit-kumulang 3 gramo na nagkakahalaga ng P600 base sa Dangerous Drug Board (DDB), at dalawang pakete ng tira-tirang hinihinalang shabu.
Nabawi ang perang ginamit sa buy-bust operation sa kamay ni “Andoy.”
Matapos ang pagmamarka at paunang imbentaryo sa nasabing lugar, ang mga nakumpiskang ebidensya at mga suspek ay dinala sa pangangalaga ng DEU para sa tamang disposisyon. Melanie Dela Cruz, UB Intern

Amianan Balita Ngayon