Binatilyo, arestado sa kasong rape

Isang binatilyo ang arestado noong Marso 22, 2017 bandang 11 ng umaga dahil sa kasong panggagahasa.
Ang pag-aresto ay ipinatupad ng mga tauhan ng Police Station 6, Baguio City Police Office, City Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit-4 at Criminal Investigation and Detection Group-Baguio.Ang 16 anyos na binatilyo, single, self-employed, residente ng Purok 5 Honeymoon, Baguio City ay dinakip sa kaniyang tirahan sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni RTC Baguio Branch 4 Presiding Judge Mia Joy C. Oallares-Cawed para sa kasong rape na walang piyansa. Ang suspek ay dinala sa PS6 ng BCPO para sa dokumentasyon bago ilipat sa ibibigay ng korte.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon