CAMP DANGWA, Benguet
Sa pinaigting na pagpapatupad ng magkakahiwalay na manhunt operations sa buong rehiyon ng
kapulisan ng Police RegionalOffice-Cordillera, tatlumpu’t anim na wanted person ang nadakip, samantalang may kabuuang 63 bayan ang nakapagtala ng zero crime incident mula Oktubre 1
hanggang 7.
Batay sa talaan ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD) ng PRO Cordillera, ang Baguio City Police Office, ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naaresto na 19, na sinundan ng Ifugao Police Provincial Office na may walong arestado; pito ang Benguet PPO at dalawa sa Kalinga PPO.
Sa mga naarestong personalidad, anim na indibidwal ang naitala bilang Most Wanted Persons (MWP), kung saan isa ang nakalista sa regional level at lima sa provincial level. Samantala, dahil sa
pinaigting na presensya ng pulisya, animnapu’t tatlong munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at dalawang police station sa Baguio City ang nananatiling mapayapa, dahil zero crime
incident ang naitala ng PRO Cordillera sa parehong linggo.
Zero crime incidents ang naitala sa 23 sa 27 munisipalidad sa Abra; anim sa pitong munisipalidad sa Apayao; labing-isa sa 13 munisipalidad sa Benguet; apat sa pitong munisipalidad sa Kalinga;
siyam sa 11 munisipalidad sa Ifugao at sampung munisipalidad sa Mountain Province. Dagdag pa, ang City Police Stations ng Aurora Hill Police Station (PS) 6, at Kennon PS8 ay nagtala rin ng zero crime incidents sa 10 police stations.
By Thom Picaña
October 13, 2023
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024