4 transporter ng marijuana nasakote sa Kalinga

TABUK CITY, Kalinga – Hindi nakalusot sa mga alertong tauhan ng Tabuk City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera, ang apat na katao na tangkang ipuslit ang 112 kilo ng marijuana bricks na may halagang P13,440,000.00 sa police checkpoint sa Barangay Bantay,Tabuk City,Kalinga, noong umaga ng Marso 10.
Kinilala ni Tabuk City PS Chief of Police Col. Radino Belly, ang mga nadakip na sina Augusto Formales Galicia,39, driver, ng Peñafrancia, Magamit, Antipolo City; Eduardo Libao Patiga,40, ng
East Rembo, Makati City; Wenceslao Formales Galicia,25,ng driver, ng Antipolo City at John Benedick Esperito Camia, 22, ng Imus, Cavite.
Ayon kay Belly, nakatanggap sila impormasyon kaugnay sa pagbibiyahe ng mga suspek ng marijuana na sakay ng Black Toyota Innova with plate number NGF 5992, kaya’t agad na nagsagawa ng
checkpoint dakong alas 11:00 ng umaga ang mga tauhan ng Tabuk CPS and PDEA Kalinga with the Kalinga PECU, CIDG Kalinga Apayao PFU, PDEU/PIU, RID PROCOR, RIU-14, 1st and 2nd
PFMC and 141 SAC PNP SAF.
Nabatid naman kay Kalinga PPO Director Davy Limmong, tatlo pang suspek na pinaniniwalaang kasabwat ng mga nahuling suspek ang nakalusot sa checkpoint na lulan ng Suzuki Ertiga na may plakang NAN 5792, ang nasakote sa hot pursuit ng mga tauhan Barangay Arrelano,Quezon, Isabela.
Ayon kay Kalinga PPO Director Col.Davy Limmong agad na kinontak ni Belly ang Provincial Intelligence Unit ng Isabela PPO sa pangunguna ni Maj.Eugene Mallillin at Quezon MPS at natunton ang nasabing sasakyan sa may Petron Gasoline Station, Arellano, Quezon, Isabela, dakong 4:50 kinahapunan ng Marso 10.
Nakilala ang ang tatlong lulan ng sasakyan na sina Prince John Lord Paluyo, 20,ng General Trias, Cavite; Cyrus Orendain Crisologo, 18, Barangay Rizal, Makati City at isang 17 year old male, ng Antipolo City.
Napag-alaman na unang nakalabas ng Tabuk City ang tatlong suspek at may usapan umano maghihintay sila sa Quezon,Isabela,para ilipat sa kanilang sasakyan ang mga marijuana bricks. Sa isinagawang search sa loob ng sasakyan, narekober ang tatlong transparent sachets containing suspected marijuana, 8 small transparent sachets containing suspected marijuana,2 tubular form containing marijuana, 1 bottle of suspected cannabis oil, 1 hashish marijuana in brick form, 1 improvised shotgun, 2 ammunition for 12 gauge shotgun at 2 cellphones.
“Malaki ang hinala naming base sa impormasyon na ang tatlo ay kasamahan ng mga naunang nadakip sa Tabuk City,na magkasama sa mula sa kanilang pinagkunan ng marijuana bricks at nakalusot lamang sa checkpoint,” pahayag ni Limmong.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon