4 TURISTA TIMBOG SA P14.7M MARIJUANA BRICKS SA KALINGA

TABUK CITY, Kalinga — Muling naka-iskor ang mga tauhan Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at Kalinga Provincial Police Office ng mahigit sa P14 milyong halaga ng marijuana bricks mula sa apat na turista sa magkasunod na interdiction/checkpoint sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Kalinga,noong Pebrero 25.
Sinabi ni PDEA Regional Director Gil Castro na nakatanggap ng impormasyon ang mga intelligence operatives kaugnay sa dalawang kalalakihan na magbibiyahe ng marijuana bricks mula sa bayan ng Tinglayan patungong lalawigan ng Cagayan lulan ng kulay puting L300 van na may plakang ICL 2669.
Ayon kay Castro, ang nasabing sasakyan ay naharang ng mga operatiba ng PDEA at KPPO dakong alas 4:00 ng umaga sa nasabing lugar. Nakuha sa loob ng sasakyan ang mga karton na nakabalot ng cellophane at naglalaman ng 106 marijuana bricks at 7 tabulars form na may timbang na 113, 000 grams at may Standard Drug Price n P13,560, 000.00.
Nakilala ang dinakip na sina Aldren Paul Cabanes Pacion, 25 at Jaymor Sacatani Eusebio, 31 kapuwa taga San Vicente Tuao, Cagayan.
Kinahapunan dakong alas 2:30 ng hapon, sinabi naman ni KPPO Provincial Director Col. Peter Tagtag, na dalawa pang kalalakihan na pinaniniwalaang kasabwat ng naunang nahuli ang nasakote din sa checkpoint sa may Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga.
Kinilala ang dalawang suspek na sina Limuel Legaspi Alarde,21,ng Barangay San Vicente, Tuao,Cagayan at Ralf King Gaffud Prado,18, ng Barangay San Martin, Dapores,Paranaque City, Metro Manila.
Nakuha sa kanila ang 10 piraso ng marijuana bricks at isang tubular, na may timbang na 10,161.00 grams at may halagang P1,213,920.00.
Ayon kay Tagtag, matatandaan noong Pebrero 15 ay limang turista na bumisita kay famous tattoo artist Apo Whang-od sa Barangay Buscalan,Tinglayan,Kalinga, ang nadakip sa police checkpoint sa Lubuagan matapos magbiyahe ng P2.5 milyong halaga ng marijuana bricks.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon