57 UGMO MEMBERS NANUMPA SA PAMAHALAAN

Camp Dangwa, Benguet – Limangpu’t -pitong miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) na pinamamahalaan ng rebeldeng New People’s Army (NPA), ang boluntaryong sumuko at nanumpa sa pagbabalik-loob sa pamamahalaan.
Ginanap sa simplemng programa kamakailan sa Barangay Sumadel, Tadian, Mountain Province.
Ayon sa Tadian MPS, ang 57 dating rebelde ay mula sa tatlong barangay ng bayan, na kinabibilangan ng Barangay Bantey, Barangay Batayan at Barangay Sumadel.
Pinangasiwaan ang Pledge of Allegiance to the government ng 57 UGMO member ni Municipal Councilor Johnson Balaoas. Nagkaisa din ang mga barangay officials na sunugin ang CPP-NPA-NDF flags bilang pagkondena at nagsagawa din ng Covenant Signing.
Ayon kay Mt.Province PPO Col.Director Ruben Andiso, ang boluntaryong pagsuko ng 57 UGMO members ay isinagawa sa patuloy na paghimok at negosasyon ng mga tauhan ng Mountain Province PPO, Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB 15), Regional Intelligence Unit 14 (RIU14), at Philippine Army, na sinuportahan ng Local Government Unit.
“I urged the community to help the government in persuading those who were already exploited by the CPP-NPA-NDF to return into the folds of the law and free themselves from fear, running, and hiding because of a vain armed struggle,” pahayag pa ni Andiso.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon