7 drug user, huli sa pot session sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Pitong drug users ang natimbog habang nagsasagawa ng “pot session” at mahulihan ng mahigit sa 7 gramo ng shabu sa isang shanty sa Sito Cayapas, Barangay Baculongan Sur, Buguias, Benguet.
Nabatid kay Police Colonel Elmer Ragay, provincial director ng Benguet Provincial Police Office, nakatanggap ng report ang Buguias MPS mula sa concerned citizen kaugnay sa nagaganap na pot session sa nasabing lugar noong Huwebes ng umaga, kaya agad nagsagawa ng operation ang pulisya.
Ayon kay Ragay, apat sa suspek na nadakip ay pawang mga drug surrenderee na kabilang sa High Value Individual (HVI) ng illegal drugs, na nakilalamg sina Amado Olsino Dolinen,39, ng Cayapas, Baculongan Sur, Buguias, Benguet at Menandro Kiblasen Pa-ay, 29, ng Obanga, Baculongan Sur, Buguias, Benguet , kapuwa drug surrenderere ng Buguias MPS noong 2016.
Enan Buteng Batio-an,23,ng Paing, Baculongan Sur, Buguias, Benguet, drug surrenderee ng Tuba MPS 2016 at July Dominguez Manuel, 33, Kayapa, Nueva Viscaya at resident of Cayapas, Baculongan Sur, Buguias, Benguet and drug surrenderee ng La Trinidad MPS noong 2016.
Ang tatlo pang nadkip ay sina Elvis Kiblasen Mocate,30; Paul Bolinto Mitas,20 , kapuwa taga  Baculongan Sur, Buguias, Benguet at Eldito Bateng-an Alicwadey,32, ng Mankayan, Benguet.
Nakuha sa kanila ang 3 small heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 7.16 grams at may street value na P48,688.00 at mga drug paraphernalia.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon