7 gun holders timbog sa SACLEO

BAGUIO CITY – Sa mahigpit na kampanya ng kapulisan laban sa loose firearms ay pitong katao ang natimbog sa ilalim ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na isinagawa sa lalawigan ng Abra.
Sa bisa ng search warrant, tatlong gun holder na nakilalang sina Rogelio Bernales Dumlao, 67, AFP retiree at nakatira sa Barangay Poblacion Pilar, Abra; Rodolfo Aban Dait Jr. 52, clerk of court MCTC Pilar, Abra at nakatira sa Barangay Poblacion Pilar, Abra at Giovanni Lorenzo Mendoza, 33, ng Laang, Langangilang, Abra, ang dinakip matapos mahulihan ng isang caliber 45; isang Caliber 38 revolver, 7 assorted magazines, 16 assorted live ammunitions, 9 assorted empty shells,isang front and rear sight assembly for M16 rifle at isang black inside holster.
Isang pang puntirya ng search warrant ay apat na gun owners na nakilang sina Ruben R. Ariota; Romar Franco, 48, teacher; Juliemar Ariota, 34, farmer, pawang residente ng Barangay Talogtog, Dolores, Abra at Alvin Barbosa Timbreza, ang nahuli sa Supiil, San Juan, Abra, samantalang si Artemio Blanza Ballera, 42, farmer ay nahuli sa Salideng, Saccaang, Sallapadan, Abra.
Nakuha ng pulisya ang dalawang cal. 45 pistol, 1 homemade gauge 12 shot gun; 1 homemade cal. 22; 3 magazine assembly for cal. 45 at 65 piraso ng live ammunition para sa cal. 45; 2 pcs live ammos for gauge 12 shot gun at 2 pcs live ammos for cal. 22 at 1 inside holster.
Ang mga nasabing individual ay kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 10591 or the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act of 2013.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon