AMIANAN POLICE PATROL

PHOTO CAPTION: MARIJUANA PLANTATION – Patuloy ang mga tauhan ng PDEACordillera sa pagsuyod sa mga marijuana plantation sa lalawigan ng Kalinga bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng pagsusumikap sa pagbabawas ng suplay ng droga sa rehiyon.

PDEA Photo/ABN


P18.3-M marijuana plants winasak ng PDEA sa Kalinga

TINGLAYAN, Kalinga

Sa patuloy na kampanya ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera, para puksain ang mga marijuana plantation sa lalawigan ng Kalinga, muling winasak ang limang plantation sites sa dalawang barangay sa bayan ng Tinglayan,noong Oktubre 2-3. Sa dalawang araw na marijuana eradication, ang ahensya ay nakapag-bunot ng mga iligal na tanim na humigit-kumulang
91,500 piraso ng fully grown marijuana plants na may halagang P18,300,000.00 mula sa taniman sa Barangay Ngibat at Buslana, Tinglayan,Kalinga.

Katuwang ng PDEA-Cordillera sa operasyon ang mga tauhan ng PDEA-1 at PROCOR ay matagumpay na naisakatuparan ang dalawang araw na sabay-sabay sa pagpuksa ng marijuana na
sumisira sa halagang P14,100,000.00 sa Barangay Buscalan, samantalang sa Barangay Ngibat naman ay may halagang P4,200,000 ang kapuwan sinunog on site. Matatandaang noong
Setyembre 25-29, umaabot sa P7.2 milyon halaga ng fully grown marijuana plants din ang
sinira sa Barangay Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga.

Samantala, patuloy din ang kampanya ng PDEA-Cordillera ang kanilang adbokasiya laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng pagsusumikap sa pagbabawas ng suplay ng droga sa rehiyon. Noong nakaraang buwan ay nagsagawa ng Preventive Education and Community Involvement (PECI) team ng Training of Trainers (TOT) para sa lalawigan ng Benguet at pinasinayaan ang Balay
Silangan Reformation Center sa Lamut, Ifugao.

Dagdag pa, ang symposium sa Drug-Free Workplace Programs at mga kaugnay na lektura ay isinagawa din para sa iba’t ibang tanggapan kapwa pribado at gobyerno na umabot sa kabuuang audience na 5,875. Sinabi ni PDEA Regional Director Julius Paderes, na ang mga nagawang ito ay
nagpapakita lamang ng mapagpasyang pangako ng PDEA-Cordillera sa pagkamit ng misyon nito sa kampanya laban sa iligal na droga.

TFP/ABN

Amianan Balita Ngayon