Ang Rock Netting at Ang Fake News

Rock Netting sa Kennon Rd. Tuba Benguet ay mula Camp 5 hanggang Camp 2 ng naturang Lugar. Ating nakapanayam si Manong Max isang Road Sweeper at ayon sa kanya walang katotohanan ang nawasak na Rock Netting na nangyari ito lamang Sabado na napapabalita sa Social Media.

Pinuntahan natin ang Lugar upang malaman kung saan nga ba ang nawasak na Rock Net ngunit ang nadatnan namin ay mga Bato na naayon sa Report ng Municipal Police Station ng Tuba, Benguet. Sa report ay Rock Fall lamang na mabilis nalinisan noong araw din ng Sabado.

Nakapanayam natin ang mga Public Local Drivers ng nasabing Munisipyo si Manong Sito at Clinton at ayon sakanila “Idi ah last year adda ngem tatta awan met, dayta mangirurruwar ti Fake News umali ka tano apan mo kitaan, haan yu met ah nga aramiden dayta ditoy lugar mi” aniya.

Malapit na ang Semana Santa, tiyak isa sa dadaanan ng mga Turista ang Kennon Rd. Dadayuhin din ang Lions Head at mga Hot Spring dito. Mula naman sa Opisina ni Congressman Eric Yap na iniuugnay sa issue ng Rock Netting, sinabi nito at uulitin na mag-sulat sa National
Government, bilang Congressman kanya naman iinspect ang mga proyekto at kung kailangan managot ang kung sino ay dapat lamang na kasuhan.

Ayon naman sa DPWH Cordillera na nag-inspect nitong Martes ay wala naman silang nakikitang Problema. Sa katunayan ‘the rock netting serves its purpose from the hard impact of Rocks and Soil to fall. Sa pakikipag-tulongan naman ng Meta Verse Facebook Philippines, Comelec at National Union of Journalists in the Philippines ay kanilang ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang mag-tanggal, magbura ng mga Impormasyon, Larawan at Videos na maaaring makasira sa imahe ng kahit na sinoman.

Ang Fake News ay gumagamit ng mga lumang larawan at videos gagamitin upang palabasin na ito ay nangyari sa Kasalukuyan.

Ang Fake News ay walang konkretong impormasyon kung kelan, saan, sino, Ano, papaano nangyari ang isang sitwasyon. Ang Fake News ay walang tamang source. Ang Fake News ay maaaring maging anay na onti onting sisira sa ating lipunan kung itoy hindi matutugunan.

Bagong Pagbangon

Our Last Night

Amianan Balita Ngayon