Apat arestado sa paglabag ng Special Laws

CAMP BADO DANGWA, La Trinidad, Benguet – Apat na katao ang sunud-sunod na inaresto ng mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) sanhi ng iba-ibang pagkakasala sa paglipas ng linggo.
Dalawang suspek ang inaresto sa kanilang tahanan dahil sa pangongolekta ng “Jueteng” bet money diumano sa magkahiwalay na illegal gambling operation na isinagawa ng pulis.
Nahuli ang bet collector na kinilalang si Dexter Emong Esteban, edad 33 at residente ng Barangay Upper Atok Trail, Baguio City hapon ng Martes, Hunyo 18, 2019 habang si Jalmar Dumalleg Baguingan naman, edad 32 ng Sitio Baccong, Pangol sa Tanudan, Kalinga ay nahuli naman kinabukasan.
Nakumpiska ang halagang Php375.00 na cash money kay Esteban at sari-saring gambling paraphernalia, habang Php1,575.00 naman na bet money at sari-saring gambling paraphernalia ang nakumpiska kay Baguingan.
Samantala, sa hiwalay na operasyon, isang magsasaka na kinilalang si Merick Jayson B. Galano, edad 31 at residente ng Purok 6, Barangay Gaddanan sa San Mateo, Isabela ang inaresto gabi ng Lunes, Hunyo 17, 2019 sa Sitio Talaca, Agbannawag, Tabuk City habang ang pulis ay nagsasagawa ng checkpoint operation.
Inaresto si Galano sa salang paglabag sa firearms law ng Pilipinas. Isang caliber 45 pistol at isang magazine ng naglalaman ng pitong (7) live ammunition ang nakumpiska kay Galano.
Sa isang buy-bust operation naman, ang drug suspek na si Cliford Ludaes Willie aka “Bugoy”, edad 39 at residente ng Wangal Housing, La Trinidad, Benguet ang inaresto sa Trading Post sa Pico, La Trinidad, Benguet gabi ng Biyernes, Hunyo 14, 2019 matapos bentahan ng suspected illegal drugs ang isa sa mga kapulisan na nag-pose na buyer.
Nakumpiska kay Willie ang isang sachet ng shabu, buy Php1000.00 halaga na bust money at isang Vivo touch screen na cellular phone.
Ang mga nasabing suspek ay nahaharap ngayon sa mga kasong isinampa ng pulis angkop na kanilang mga pagkakasala.
Patuloy na pinalalakas ng PROCOR ang anti-criminality campaign at ang iba pang standard safety operation sa rehiyon. Ang PROCOR ay umaapila din sa publiko na ituloy lamang ang pagbibigay ng impormasyon na may kaugnayan at napapanahon tungkol sa mga kaduda-dudang personalidad at mga aktibidad para sa agarang pag-aresto ng mga suspek at para lalong maiwasan ang kriminalidad sa rehiyon.
 
PROCOR RPIO/Merriam del Rosario/ABN

Amianan Balita Ngayon