Author: Amianan Balita Ngayon

SABUYAN NG PUTIK… TIMBANGIN!

Habang papalapit na ang eleksiyon…papalapit din tayo sa mga bangin kung saan tayo ibabagsak. Kaya timbanging maigi ang mga putik na isinasaboy baka tayo ay maisamang matangay. Pag sinabing puti..tiyak may tama, may mali at marami ang gawa-gawa lamang na hindi katotohanan. Maaring mapanlinlang ang mga isinasaboy na putik depende raw sa laki na pabulsang-lagay […]

DIKITAN KONTRA BAKLASAN… UMARANGKADA NA!

Habang nasusulat ang espasyong ito…bisperas na ng Araw ng mga Puso. Nakapagsimula na rin ang kampanyahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party list. Sumabay na rin ang Oplan Baklas ng COMELEC sa mga Campaign Materials na wala sa legal na lugal at wala sa tamang sukat. Sa March 28 naman ang Oplan Baklas sa […]

PANG-ASAR NG CHINA… SAY NINYO?

Marami nang beses na tayo’y inaasar ng China dahil sa West Phil. Sea. Sandamukal na rin ang mga narinig nating mga nagprotesta at magproprotesta pa ang ating bansa. Pero patuloy naman ang pang-aasar ng Tsina sa atin…WH-? Gumamit na tayo ng kontra-patrolya sa karagatan. May sumama pang taga-media at nadokumento kung papano tayo binangga, sinabuyan […]

DUTERTE-MARCOS… PARANG CHINA KONTRA PILIPINAS!

Sa utak ng mga Pinoy na sumusubaybay sa mga kaganapan araw-araw…ang tensiyon sa pagitan ng pamilya Duterte at Marcos ay puwede ng ihambing sa tensiyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa isyu ng teritoryo. May katapusan pa kaya ito? Happy ending kaya o mas sasalimuot? Mahirap manghula. Pero kung kakaliskisan natin ang mga […]

MGA MONSTER NA BALITA SA PILIPINAS!

Habang papalapit ang eleksyon sa Mayo 12…nagiging mga monster ang mga balita sa bansa. Kapuna-puna ang pagsulpot ng mga ito na parang sinasadya na hindi naman. Yan ang ating kakaliskisan pero bago ang lahat…bato-bato sa langit muna: Ramdan na natin ang lamig ng amihan season…pero umiinit naman ang mga kontrabersiyang nakapalibut sa atin. Una na […]

‘PINAS… PINASOK ULI NG MONSTER NG TSINA????

SUSMARYUSEP!!!@@??.. MONSTER ng Tsina pumasok uli sa Pilipinas? Oh my God! Hindi isang ANIME at hindi rin pelikulang karton. Totoong Monster Ship ng Coast Guard ng Tsina ang muling umentra sa teritoryo ng bansa kamakailan. Baka habang sinusulat ang espasyong ito…ay naroon pa sa karagatan ng Zambales. Sige, kaliskisan nga natin ire, mga pards: Nang […]

MONSTER SHIP???

Pinasok na tayo ng MONSTER! Oh, my God! Totoo! May Monster Ship na sa Pilipinas! Anak ng bakang duling? Akala natin ay sa mga pelikula lang ng Walt Disney ang meron bilang atraksiyon sa mga bata. Pero ang Monster ship ng CHINA na nasa bansa natin…atraksiyon na ito ng buong mundo! Sige, panoorin este, uriratin […]

BAGONG TAON….

Bagong taon na….ano kaya ang aasahan natin? Bago rin kaya o nakatali pa rin tayo sa mga niluma na ng panahon? Ano kaya ang idudulot nito sa ating buhay? May pag-asa? Pagsisikap? Maghahangad? O aasa na lang sa iba? Bagong taon, bagong buhay, ang sabi. Araw- araw ay bagong buhay. Nasa sa atin kung paano […]

PASKO, TAPOS NA… MAY PAGBABAGO BA?

Ilang araw na lang…2025 na. Goodbye na kay 2024. May nagbago ba sa ating buhay? Alamin baka meron pa kayong maisasabit sa ating talakayan: Ang diwa ba ng Pasko inyong naramdaman? Bukod sa mga himig pamasko…meron ba kayong naitalang bago at ano naman ang mga naiwang luma? Sabagay, namnamin natin ang magandang potahe mula naman […]

HUSTIYA NG MGA OFW…. TUTUKAN!

Sa wakas, nakauwi na sa bansa ang kababayan nating si Mary Jane Veloso matapos ang 14 na taong pagkabilanggo sa Indonesia dahil diumano sa kasong di naman daw niya ginawa. Isang napakapait na pangyayari sa buhay ng ating mga kadugo na nagsisikhay sa ibayong dagat upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Atin nga itong […]

Amianan Balita Ngayon