Avila tuloy sa pagtakbo sa pagkamayor ng Baguio – SC

Tigilan na ang character assassination, lahat tayo qualified at mangampanya na lamang ng tama para sa mamamayan at huwag manira ng kapuwa kandidato.
I observed na bumababa na level ng political campaign sa ating siyudad, dahil lamang sa maling isyu, ito ang naging pahayag ni Councilor Edgar Avila, na kandidato sa pagka-Mayor ng lungsod.
Sa isinagawang media conference noong Biyernes, prinisinta ni Avila ang “status quo ante” order ng Korte Suprema na nag-uutos sa Comelec En Banc na itigil ang anumang kautusan sa kanilang resolution na nagsasabing hindi ito nag-file ng CoC, dahil old form ang ginamit.
“Oo old form yung first page ng CoC ko, pero new form yong second page ko at ang isyung ito ay hindi subject for disqualification, kundi for correction lamang ng aking CoC, kaya wala pong katotohanan ang paninira nila sa akin na ako ay disqualified,” pahayag ni Avila.
Hinalimbawa nito sina Pangulong Rodrigo Duterte at Pasay City Mayor na nagkaroon ng error sa kanilang CoC, pero hindi sila nadisqualify dahil walang nakikitang ground for disqualification.
Aniya sa kanyang inihaing apela sa Korte Suprema noong Abril 10 ay kinabukasan ay agad itong inaksyunan, dahil din walang nakikitang matibay na dahilan para ipawalang-bisa ang kanyang
inihaing CoC, na walang question nang tanggapin ito ng Comelec-Baguio at Comelec-Manila.
Nakasaad sa Supreme Court resolution na “a status quo ante order is issued effective immediately and continuing until further orders from this Court.”
Ipinaliwanag din ni Avila na ang ibig sabihin ng status quo ante ay to maintain yung status, bago lumabas yung minute resolution ng Comelec.
“Sa minute resolution ay sinasabi ng Comelec na huwag kaming isali sa balota, pero sa effect ng resolution ng Korte Suprema ay isali kami sa balota.”
“Nagpapasalamat kami sa Korte Suprema sa hustisya na ipinagkaloob sa amin at patunay lamang ito sa aming magandang layunin para sa mga mamamayan ng Baguio. Sama-sama po ulit tayo at mangampanya ng tama, malinis para sa pag-unlad ng ating bayan.”
Panawagan din nito sa ilang pulitiko na gumagamit sa isyung ito, na tigilan na at huwag linlangin ang taongbayan sa paninira ng kampanya.
“Ipagpatuloy natin ang magandang imahe ng political campaign sa ating lungsod”.
 
ABN/Roel Zaragosa Reportorial Team

Amianan Balita Ngayon