Baguio handa sa Modified General Community Quarantine

LUNGSOD NG BAGUIO – Siniguro ni Mayor Benjamin Magalong noong Mayo 28 ang kahandaan ng lungsod sa paglipat mula General Community Quarantine (GCQ) sa Modified GCQ status, kung maaprubahan, simula Hunyo 1.
Sinabi ng mayor na hanggang Mayo 28, ang lungsod ay may kabuuang 32 kaso ng Coronavirus disease (COVID-19), 29 dito ay nakarekober at dalawang active na kasalukuyang naka-confine na ang isa ay miyembro ng Philippine National Police na nagpositibo ilang araw matapos dumating sa lungsod habang ang may nag-iisang namatay.
Sinabi ni Magalong na ipinagbigay-alam ni City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) Head Dr. Donnabel Panes na ang case doubling time (DT) ng lungsod ay 24.4 na araw na taliwas sa DT information na ipinadala sa national Inter-Agency Task Force (IATF) na siyam na araw.
Samantala, ang Time Varying Reproduction Number ng lungsod ay 0.877.
Ang DT ay ang oras na kailangan upang magdoble ang bilang ng mga kaso habang ang reproduction number ay ang inaasahang bilang ng mga kaso na direktang nagagawa ng isang kaso sa isang populasyon.
Sinabi ni city health officer Rowena Galpo na ang kasalukuyang reproduction number ng lungsod na .8 ay mas mababa sa isa, ibig sabihin mayroong mababang tsansiya na maikalat ang sakit sa lungsod.
Maliban sa nakahihikayat na datos sa insidente ng COVID-19, binigyan-pansin ng mayor ang kasalukuyang mga tagumpay sa support systems gaya ng kamkailang pagpapalakas ng testing capacity ng lungsod sa pagdagdag ng anim na PCR machines at dalawang automated RNA extraction machines sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) at ang naitatag na contact tracing system na naginnaggingtibo sa pagtukoy sa mga nakasalamuha at lugar ng konsentrasyon ng sakit.
May mga mekanismo rin sa kalusugan at kaligtasan na nailatag para sa iba-ibang sektor na inumpisahan nila ang muling pagbubukas at ang maayos na nailatag na sistema sa bumabalik na overseas at lokal na mga residente at manggagawa na may sapat na health and safety mechanisms at protocols gaya ng online registration, triage system at quarantine and isolation centers upang masigurong makontrol ang sakit.
“With these safety mechanisms in place, we have an added assurance of swift implementation of disease management procedures as we begin to ease up restrictions in the business sector,” ani mayor Magalong.
Isa pang factor ay ang likas na disiplina ng mga residente ng Baguio na napatunayan simula ng ECQ.
“I say it with immense pride that the stability and progress of our city is realized through the shared responsibility and cooperation of the city government, our uniformed personnel and our citizens,” aniya.
APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon