Drug pusher nalambat sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Isang High Value Individual na tinaguriang bigtime drug pusher sa Baguio City, ang nalambat ng mga tauhan ng Benguet Provincial Police Office sa naganp na buy-bust operation sa bayan ng Abatan, Buguias, Benguet.
“Medyo bigtime itong suspek, na matagal ng under surveillance at umarkila pa ng sasakyan para kagatin ang isinagawang pain ng ating mga tauhan, na ang transaksyon ay sa Abatan,Buguias,: pahayag ni Police Colonel Elmer Ragay, provincial director.
Kinilala ang naarestong suspek na si Daryl John Buyawe Dominguez, 30, driver, native of Sayapot, Balili, Mankayan, Benguet and residing in New Lucban, Baguio City.
Nabatid kay Ragay, may kabuuang 27.32 gramo ng shabu na may Dangerous Drug Board value na P185, 778 ang nakumpiska sa naganap na buybust operation noong Biyernes ng hapon sa Abatan, Buguias, Benguet.
Magkakasanib na tauhan ng Buguias MPS, Benguet PMFC, PIU- BPPO, RID and PNP-SAF ang nagsagawa ng drug operation, matapos ang negosasyon sa suspek ng isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ayon kay Ragay, nabili ng poseur buyer mula sa suspek ang apat na heat sealed plastic sachets containing white crystalline substance suspected to be shabu na may timbang na 18.36 grams, na may DDB value na P124,848.00.
Nang maaresto ang suspek, nakuha pa ng mga pulis ang isang ring box na naglalaman ng apat na heat sealed plastic sachets of suspected shabu na may timbang na 8.96 gramo at may DDB value na P60,928.00.
Narekober din sa suspek ang three genuine one thousand peso bill; 27 pieces of boodle money; one touch screen cellular phone; one weighting scale; one scissor; four pieces tooter; one strip aluminum foil; one roll of plastic tube; five pieces plastic straw; one piece of bamboo stick; one piece metal tong; two pieces of lighter; one pack of plastic sachets; two pages of vehicle sales invoice and one black Toyota Fortuner with conduction sticker P41022, na ginamit nito patungo sa Buguias.
Zaldy Comanda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon