Baguio nagtala ng 2 bagong kaso, 2 barangay ini-lockdown

LUNGSOD NG BAGUIO – Dalawang bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang naitala noong Abril 14 at 15 na nagbigay ng kabuuang 17 kaso at naglagay sa lockdown sa dalawang barangay dito, ayon sa isang opisyal noong Miyerkoles.
Sinabi ni city information office chief Aileen Refuerzo na isang 77 taong gulang na lalaking pasyente ng stroke mula Maria Basa St., Pacdal ay nadiagnose at nasuri na positibo sa sakit noong gabi ng Martes.
Ang pasyente ay nagsimulang umubo at nahirapan huminga noong Abril 6 kaya pumunta para sa isang medical check-up sa isang ospital noong Abril 13 kung saan sinuri siya. Inilabas ang resulta ng pagsusuri gabi ng Abril 14.
Sinabi ni Refuerzo na ipinagbigay-alam ng asawa ng pasyente sa health officials na nagsasagawa ng contract  tracing na hindi lumalabas ng bahay ang kaniyang asawa mula ng ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) ngunit palaging binibisita siya ng kaniyang pamangkin na nagtratrabaho sa Thailand bago ito umalis ng bansa noong Marso 14. Inamin ng babaeng asawa na sumailalim siya ng checkup sa kaniyang ubo noong Abril 2 at dumalo sa isang pagpupulong kooperatiba sa Barangay T. Alonzo noong Abril 11.
Iniutos na isalilalim ang mga barangay ng Pacdal at T. Alonzo noong gabi ng Martes, na pinapayagan lamang ang mga taong nabigyan ng home quarantine passes na may mahalagang biyahe na lumabas at dumaan sa checkpoints. Noong umaga ng Miyerkoles, isang 33 anyos na lalaking nurse sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) at residente ng Woodsgate Subdivision Vamp 7 barangay ay nagpositibo rin, ayon kay Refuerzo. Ang dalawang kumpirmadong kaso ay naka-confine na sa BGHMC at nagsasagawa na ng contact tracing ang lungsod at pinagalaw ang disinfection operations.
Sinabi ni BGHMC medical officer Dr. Ricardo Ruñez Jr. na inumpisahan na ng ospital na ipatupad ang precautionary measures upang masiguro ang kaligtasan ng iba pang pasyente at kanilang personnel. “Contact tracing within has started. Scaled-down operations for today but essential services will continue,” aniya. Sinabi ni Runez na ang mahahalagang personnel lamang sa emergency room ang pinanatili upang mag-alaga ng mga pasyenteng nangangailangan ng medikal na atensiyon.
Sa ngayon ay nakapagtala ang Baguio ng 17 kaso – apat ang naka-confine sa medical facilities, isa ang namatay, at 12 ang nakarekober.
Mayroong 14 na probable cases o patients under investigation na may conclusive o inadequate test results; suspected cases o PUIs na may mild, severe at critical na kailanag sumailalim sa pagsusuri at 262 suspected cases na nakarekober na.
LA-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon