Bakuna….Kontrobersiya Talaga!

Daplis Walang Mintis

Kung may anak ng pating at anak ng baka na pagmumura dahil sa inis…meron na naman tayong bago – ANAK NG BAKUNA! Talagang PUTRAGIS EH….sorry…Pilipino yan…sa Espanyol—simberguenza! Sa Katagalugan – ‘Namo! Sa Ilokandia – ‘Nam! Sa Luneta – Puzila!!! Sa “kabaret” – ilang tiket ka ba? He he…noon kasi, bago ka makakuha ng isasayaw, may tiket ka pa. Ang lolo ko, isang rolyong tiket ang binibili. Beinte pesos lang ang isang tiket noon. Pero bago naubos ang tiket, napikot na siya. Talo ang Puzila sa Bagumbayan. Pero lahat tayo ngayon, wala ng tikettiket. Wala na yang Puzipuzila… covid na lang tayo….tapos na ang laban.

Yan ang Anak Ng Bakuna! ‘Namputsa talaga, men….grabe na, eh. Mantakin mong hindi na lang Pilipinas kundi buong world ang tinamaan nitong anak ng bakunang ire! Tapos hanggang ngayon…ala, e…di pa matumbok-tumbok kung ano at aling bakuna ang gagamitin. Bakit? Ala, e…para bagang napapasukan na ng pulitika pards. Akala ko parang natuturukan na ng bakuna. Peste talaga, mga kabalin. May anim na yatang bakuna ang nakalatag. Inaaral pa ng mga henyo ang iba. Pero mas henyo si Pinoy.

Bakit ‘ka niyo? Aba’y di pa dumarating si bakuna, eh…may mga naturukan na, di ga? Saan? Di ga sa PSG? Saan bay an, igan? Di ga sa Malakanyang? Sus ginoong kahabaghabag. Naman! Sa Palasyo ba nangyari ang eksena? Sus..mariakusina….hayaan mo na lang silang mag-imbistiga. Mahirap pasukin yan baka bigwasan ka ni Digong! Sinong digong? Yong naglalako ng taho sa may UB? Torpe…simberguenza…tarantula! Di mo kilala si Digong? Siya yong meron sa pagitan nina Trump at Biden. Oh, my God, my Lord…patawarin mo kami kasi alam namin ang aming ginagawa. Please!!!!

Next issue: ay hindi pa pa pala next…sunod sa isyu: Bakuna. Kailan ba kasi darating yan? Sabi ng mga madada….baka daw nitong Pebrero. Sabi naman ng mga mas madaldal…baka sa Hulyo. Ah, basta, may darating. Ang masakit…may mga maeetsapuwera daw na matuturukan. Hanoo??? Tao, este, mga gurang daw ay medyo maisasantabi muna. Naku…huwag ninyong gawin yan, mga pards. Giyera! sabi nga ng mga laylay ang dila: bakit kayo lang ba ang tao sa Pinas?

Kami ang naunang nakipagkamay kay Mcarthur at Magellan. Bakit kami pa ang isasantabi? Ito kasi, pards ang reaksiyon dahil sabi-sabi nila…ihuhuli daw ang mga damatan na matuturukan dahil sa nangyari sa Norway na mahigit dalawampu ang natepok dahil sa bakuna. Sabi g mga mahahaba ang dila at baba….dahil daw sa may malala na silang sakit. Ala, eh ganon naman pala, e. E, bakit si Bakuna ang ginagawang suspect? Ang alam naming mga suspect ay yong mga gumagahasa at pumatay sa flight stewardes na si Dacera.

Sus ginoo, bakit tayo napunta roon? Eh, kasi nga…hoy, tumigil ka! Sa Bakuna lang tayo, hindi sa gahasa. Sige..tuloy natin ang turukan. Sabi nga nila, yon daw galing sa China ang matunog. He he…naku ha…ayaw lang ninyong makabangga ang bagang ni Pres. Duterte. Pero kung kami ang tatanungin sa Amianan? Hihintayin namin na may tatak- Virgin oil ang kartada. Bakit ? He he..”virgin pa men…virgin”. Putragis ba naman kung di nagamot kapag virgin ang iyong binanatan. Yong “oil; men yong oil” ang usapan. Huwag haluan ng masamang timpla.

Tanong. Kailan naman magkakaron? Hintayin nating bumagsak sa Earth ang Mars o Neptune…saka tayo susulat ulit ng isa pang eksena ng bakuna sa Amianan. Sige..tabi-tabi na riyan ay magpapaalam na kami. Adios mi amor, ciao, mabalos.