Bayan ko, saan ka patungo?

Feb 25, 2017

Ginunita muli ng sambayanan ang ika-31th Edsa People Power revolution. Ganyan na pala kahaba ang panahon ng ating taunang paggunita sa naturang okasyon sa buhay  sa bansang ito. Masakit, mahapdi, masaklap, mapait, at lahat na yata ng mga nakakabanas na mga salita ay puwede ng gamitin. Bakit? Aba’y sa tagal ng panahon na yun na nagkaroon tayo ng sinasabing pagkakaisa, ano  ang katuturan ng pagkakaisang yun? Oo, nagkaisa tayong palayasin sa Malakanyang ang taong ating inayawan dahil kanya raw sinikil ang ating karapatan sa matagal na panahon. Na diumano’y may pang-aabusong ginawa. Na diumano’y pinagnakawan pa tayo at inalipustang parang alipin sa mahigit na dalawampung taong rehime. At nang mapalayas ang diumano’y diktador, ano ang nangyari? Di ba’t ang kanyang kalabang pamilya mismo ang umakyat sa palasyong nilisan? Ano ang nangyari? Kung meron, bakit hanggang ngayon, marami pa rin ang sumisigaw ng katarungan? Bakit hanggang ngayon ay hindi naparusahan ang mga gustong maparusahan?  Dahil ba kulang ng mga ebidensiya? Kulang ba ang panahon upang kalkalin at imbestigahan ang mga alegasyon laban sa diktador? Bakit hanggang ngayon, sumisigaw pa rin ang ilan, kung nasaan daw ang katarungan sa pagpatay kay dating senador na si Ninoy na ama ni Noynoy? Sus maryakusina impusipos! A, ewan, kaiba talaga ang Pilipinas. Sinundan pa ng sandamukal na mga kontrobersiya. Ginoong bakleta! Susme! Bayan ko, saan ka ba patungo talaga?

******

Simple lang ang ginanap na seremonyas sa paggunita sa ika-tatlumpu’t isang taon ng EDSA Revulotion. Sinabayan pa rin ng mga protesta ng magkabilang panig: mga kontra Duterte at Pro-Duterte. Marami ang nalilito sa mga ganitong kaganapan. Noong panahon nina Cory, Erap, GMA at FVR, ganyan  ang mga senaryo.Di na natapos-tapos. Nakakabanas na, di ba? Di ba dapat kung di pa matanggap ang katotohanan hinggil sa pagpatay noon kay Ninoy, e, bakit umabot pa sa ganitong panahon upang ito’y muling maging isyu? Ano ang ginawa ng mga nagdaang  rehime na sumunod sa napalayas na rehimeng Marcos? Ano ang hustisyang nahanap? Naghanap ba sila? Meron ba silang nahanapang mga ninakaw na yaman? Nasaan? Kanino napunta? Tapos ngayon, kaliwa’t kanan muli ang mga patustsada ng mga mahahaba ang dila upang sila’y muling magpakilala sa madla. Sus ginoo, agaammotayon! Dapat tigilan na natin ang kontrobersiyang ito kung wala rin lang tayong mahanapang legal na pondasyon upang maresolba na ang tensiyon sa pagitan ng Marcos at Aquino. Kasi nga naman, dalawa na silang Aquino na umupo bilang pangulo ng bansa. Ano ang kanilang ginawa sa naturang kontobersiyang kaso sa kamatayan ni Sen. Ninoy? Kung may legal sana silang basehan, siguro may mga nakulong na sa mga taga-Marcos family, di ba? Pero, baliktad yata ang nangyari, nakabalik sa sebisyo publiko ang mga Marcos sa iba’t ibang posisyon. Katunayan, tumakbo  ngang pang-bise presidente ang mismong anak ni Makoy na si Sen. Bongbong. Hay naku, buhay nga naman.

********

Ngayong muling ginunita ang Edsa Revolution, kahit pa sabihing malapit na kaalyado ng Marcoses si Pres. Duterte, wala tayong nakitang pagmamalabis sa panig ni Digong. Bagkus, naging simple lang ang ngilin. Ngunit sa panig ng supporters kontra Digong, kanila ring ipinadama ang kanilang hinanakit kontra sa kawalan ng katarungan ng mga naging biktima noon ng rehimeng Marcos. Ang bago lang sa ngayon ay meron na ring brigadang kampi sa kasalukuyang administrasyon na gusto nang itigil ang bangayan. Tanggapin na ang katotohanan na dapat na tayong umusad. Di naman sa paglimot sa katuturan ng Edsa Revolution ngunit makatwiran lang na magpunla na tayo ng panibagong binhi para sa mga sumusunod pang lahi. Gawing aral na lang sana ang nakaraan at gawin itong pondasyon sa mas matatag na kinabukasan sa likod ng mga batik na ating pinagdaanan. Sa ating mga kababayan, Mabuhay ang Pilipinas. Mabuhay ang nakaraan. Mabuhay ang Kinabukasan. Bayan ko, kasama mo kami, saan ka man patungo. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest