Benguet LTO pinaigting ang anti-colorum drive

Feb 9, 2018

LA TRINIDAD, Benguet – Pinaigting ng Land Transportation Office (LTO) Benguet District ang kampanya nito sa “anti-colorum” at tinutugis ang mga vans-for-hire na bumibiyahe sa ilang tourist spots sa probinsiya na walang kaukulang permits.
Dahil dito ay iniulat ng lokal na ahensiya ang mas mataas na koleksiyon sa taong 2017.
Sinabi ni Arsenio Bagtang, officer-in-charge ng LTO Benguet, na nagtalaga ng mga enforcement units sa mga tourist spots sa probinsiya lalo na sa munisipalidad ng Kabayan kasunod ng mga ulat ng tumataas na bilang ng sasakyan na naghahatid ng mga pasahero kahit walang kaukulang dokumento para mag-operate.
Ayon pa kay Bagtang ang mga vans ay ginagamit sa paghahatid ng local at foreign tourists na bumibisita sa Mt. Pulag na nasa Kabayan, isa sa 13 munisipalidad ng Benguet.
Nasa Kabayan ang malaking bahagi ng Mt. Pulag national park, mummies at ang twin lakes na kinilalang isa sa mga pinakamalilinis na mga ilog sa mundo.
Subalit sinabi ni Bagtang na iniulat ng enforcement units na nahihirapan sila sa paghuli sa mga pinaghihinalaang colorum na sasakyan lalo na ang mga van na may radio transceivers na ginagamit nila upang alarmahan ang ibang drivers na may LTO personnel na nagsasagawa ng inspeksyon at paghuhuli.
Sa kampanya laban sa mga illegal na aktibidad gaya ng pagkakaroon ng mga “fixers” ay sinabi ni Bagtang na may closed circuit television cameras (CCTVs) ang LTO-Benguet upang imonitor ang mga aktibidad ng mga fixers.
Ilang opisina ng LTO kabilang ang iba pang ahensiya ng gobyerno ang nagpapatupad ng isang “no-fixer” policy upang mahikayat ang mga kliyente na direktang makiugnayan sa mga personnel at mahadlangan silang magbayad ng karagdagang fees sa mga fixer.
Sa pinaigting na kampanya laban sa bogus public utility vehicles, registration ng motor vehicles, license fees, at penalties mula sa pagpapatupad ng batas ay iniulat ng opisina ang pagtaas sa koleksiyon.
Para sa motor vehicle registration ay nakakolekta ang ahensiya ng mahigit P81 milyon na nilagpasan ang target na P77.15 milyon o may pagtaas na 8 porsiyento mula sa 2016 koleksiyon na P74.9 milyon.
Sa license fees naman ay nakakolekta ang LTO-Benguet ng P5.98 milyon na mas mataas sa target na P3,082,370.
Sa law enforcement ay tumaas ang koleksiyon na P5.9 milyon kumpara sa 2016 koleksiyon na P1.71 milyon.
Sa datos ng LTO-Benguet ay nagpakita rin ng pagtaas sa bilang ng inirehistrong sasakyan, mula 30,444 noong 2016 sa 35,161 noong 2017.  ABN

RELATED POSTS

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest