BFP, mainit na tinanggap mga bagong fire officer

L A TRINIDAD, Benguet – Mainit ang pagtanggap ng mga taga Bureau of Fire and Protection (BFP) ang 100 nilang bagong miyembro o mga Fire Officer 1 sa isang reception rites noong Lunes, Hulyo 8, 2019 na inilungsad sa Wangal Sport Complex sa bayang ito.

Ang mga bagong miyembro, kung saan 56 ay mga lalaki at 44 ang mga babae ay sasalang pa sa mga training na magtatagal ng 2 buwan sa Tuba, Benguet at panibagong 4 na buwan para naman sa National Fire Training Institute sa Calamba, Laguna bago ma iassign sa ibat ibang rehiyon sa Pilipinas.

“They must remember that it is not by chance that they have entered the BFP, it is by choice. They should prove to us that they are worthy of our trust and confidence dahil lahat naman dumaan sa ganyan, kaya nila yan,” BFP-CAR director Maria Sofia Mendoza said.

Pinili ng mga bagong halal na miyembro ang kanilang pagpasok sa BFP kaya naman ay kailangan nilang patunayan na kaya nila upang magkapaglingkod sa mga tao at sila ay makapag serbisyo, ani Mendoza.

Ang mga FOI ay sumailalim sa walong estasyon o ibat ibang intense na ehersiyo na tumatagal ng sampung minuto kada estasyon: Station 1: 8 Counts Push up Station 2: Mountation Climbing Station 3: Flutter Kick Station 4: Squad thrust Station 5: Modified Jumping Jack Station 6: Knee-High Station 7: Knee Bender Station 8: Buttocks up “We are trying to build them as one with rapport and camaraderie so we can enhance their teamwork and leadership and become what we call now “Modern Day Heroes,” dagdag ni Mendoza.

Kabilang na ang mga 100 na FOI sa 822 sa BFP, at mayroon nang 922 na BFP-CAR Fire Fighters sa kabuuan. “Bata pa lang ako, gusto ko na maging bayani tulad ni superman, pero naisip ko hindi yun mangyayari dahil wala naman ako powers, narealize ko habang tumatanda na meron pala tayong powers yung powers pala natin e nasa kamay lang natin, yun yung pag tulong natin, at feeling ko eto talaga yung pangarap o maging superman ay ang makasama sa BFP,” ani isa sa mga bagong FOI ng BFP.

Sinugurado naman ng BFP na tatapatan pa nila o mas hihigitan ang kanilang achievement nung nakaraang taon, upang makapag labas pa ng mga tapat at matatapang na mga fire fighters sa Cordillera.

Charisse Miranda, UC Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon