Binatilyo, patay matapos malunod sa Pangasinan

ROSALES, PANGASINAN – Nakita ang walang-buhay na katawan ng isang 15 anyos na binatilyo mula Barangay Zone V, na diumano’y nalunod sa Totonogen River dito, sa kahabaan ng Agno River sa bayan ng Bayambang noong Setyembre 18.
Kinilala ni Police Chief Inspector John Corpuz, chief ng Rosales Police Station, ang biktimang si Jomar Pascua.
Positibong kinilala ni Raymundo Pascua, ama ng biktima, ang katawan ng kaniyang anak, ani Corpuz.
Aniya kasama ni Jomar ang tatlo niyang mga kaibigan, na lumangoy sa Totonogen River noong Setyembre 15 matapos ang pananalasa ng bagyong Ompong. Dinala ng malakas na agos ng tubig ng ilog ang katawan ng biktima.
“The sun was already up when they swam into the river, but still the river’s water current was too strong,” aniya.
Sinabi ni Corpuz na ang tatlong kasamahan ng biktima ay agad na nag-ulat ng insidente sa Rosales Police.
Agad nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan ng search and rescue operation, at nakita ang katawan ng biktima na lumulutang sa Agno River matapos ang dalawang araw.
“We cannot consider it as disaster-related since the incident happened after the typhoon,” he said. H.AUSTRIA, PNA

Amianan Balita Ngayon