Apat na suspek, arestado sa paglabag sa firearms law sa Pangasinan

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO – Arestado ang apat na suspek sa paglabag sa Comprehensive Law of Firearms and Ammunition, umaga ng Setyembre 19, 2018 sa Asingan, Pangasinan.
Ayon kay PCInsp Ador M. Tayag, Asingan Police Station chief of police, na ang sabay-sabay na implementasyon ng search warrants para sa paglabag sa RA 10591 ay isinagawa sa nasabing munisipalidad upang harapin ang nakakaalarmang firearm-related issues.
Ang mga naaresto ay sina Leonard Soriano Pataray alyas Onad, 43; Victoriano Datuin Aquino Sr., 74; Victoriano Abuan Aquino Jr., 34; at Vicente Abuan Aquino, 50.
Ang mga suspek ay naaresto sa bisa ng search warrants para sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearm and Ammunition) na ibinaba ni Judge Mervin Jovito Samatan ng RTC, Branch 70, Burgos, Pangasinan.
Ang mga narekober ay isang unit ng caliber 38 revolver, siyam na piraso ng ammunition ng caliber .38, at 10 piraso ng bala para sa cal .45. mula kay Pataray; isang unit ng Caspian cal. 45 pistol, isang piraso ng magazine para sa cal 45 pistol, dalawang piraso ng bala ng cal. 45 pistol, apat na piraso ng bala para sa 12-gauge shotgun, isang unit ng magnum 357 revolver at 13 piraso ng ammunition para sa cal 357 magnum mula naman kina Aquino Sr. at Jr.; at isang unit ng ARMSCOR cal 45 pistol, 20 piraso ng ammunition para sa cal. 22, 27 piraso ng ammunition ng cal. 45, tatlong piraso ng ammunition ng cal. 30, at dalawang piraso ng magazines para sa cal 45 ang narekober mula kay Vicente Aquino.
“The operation is in compliance with the directive of PNP Albayalde to account all loose firearms in the region to remove the instrument of would be killing/shooting incidents. This is also in preparation of the forthcoming election to dismantle Private Armed Groups (PAGs),’’ ani PCSupt Romulo E. Sapitula, PRO1 regional director.
Idinagdag pa niya na patuloy ang Police Regional Office 1 na i-maximize ang kanilang pagsisikap sa pagkilala ng mga sources ng loose firearms at hulihin ang mga lumalabag sa nasabing batas. Sa ganitong pamamaraan, mapupuksa ang mga firearm-related crimes sa rehiyon.

Amianan Balita Ngayon