Category: Daplis Walang Mintis
Mga Eksena sa undas, Paulit-ulit!
November 1, 2019
Parang pagkaing laging replay…yan ang wangis ng mga undas na nagdaan. Paulit-ulit ang mga eksena. Kung may pagbabago man…katiting lang. Minsan pa nga…O.A daw ang mga panuntunan. Siguro para maisakatuparan ang kanilang ginagawa na alinsunod din sa maayos na ngilin sa Undas. Pero teka lang, pards…sa tagal na nating ipinagngingilin ang Undas…may mga tao pa […]
Pilipinas gustong maging ‘MAHARLIKA”
October 29, 2019
Susmaryosep! Pangalan ng ating bansang Pilipinas…gustong palitan ng MAHARLIKA? Nakopow! Mag-isip-isip muna tayo mga pards. Maraming masasagasaan pag nagkataon, di ba? Ilang siglo na nating minahal ang pangalan ng ating bansa na Pilipinas…tapos papalitan ng Maharlika? He he…di yata basta-basta magaganap ire, pards. Tiyak mas maraming kokontra keysa aayon dine. Sige, busisihin natin: ****** 1521 […]
Albayalde bumaba…Didnidad ng PNP, Tataas kaya?
October 21, 2019
Marami ang nagulantang nang sa di inaasahan ay bumaba na sa puwesto si dating PNP Chief Gen. Albayalde. Di nga sukat akalain dahil akala ng marami na sa Oktubre 29 pa ito bababa o kaya’y sa mismong kaarawan nito sa Nob. 8. Tanong ng mga busesero: bakit kaya? Ang sagot: pamilya daw ni sir ang […]
Ninja Cops… Bakit di mapuksa?
September 30, 2019
Bakit sa halip na mapuksa ay parang dumarami pa daw ang mga Ninja Cops? Maryunes! Aba’y marami pang mabibiktima ng illegal na droga, pards. Ano bang nangyayari? Nagbubulag-bulagan lang ba ang ating pamahalaan o talagang di makakita? Maryunes uli! Anyari? Sige…bulatlatin natin hanggang sa kaliit-liitang kota nila pero bato-bato sa langit muna, hane! ****** Tanong: […]
Bilibid, may bagong hepe. May kaso?
September 22, 2019
Habang sinusulat ang Daplis ngayon (Setyembre19), patuloy ang isinasagawang Senate hearing (Blue Ribbon Committee) hinggil sa GCTA at mga nangyayari sa Bilibid o BuCor. Naisama pang naungkat ang hinggil sa bentahan ng droga mula sa mga nakukumpiska ng mga otoridad. Ito ay ulat na mismong pinanindigan ng dating CIDG head na si Mayor Benjamin Magalong […]
Janet Napoles, kasong Rape ang naka-rekord?
September 16, 2019
Si Janet Napoles na tinaguriang reyna ng maanomalyang PDAF at kinasuhan ng “plunder”, naging “rape” ang nakalistang kaso sa BuCor? Papano nangyari ire? Isang babae, may kasong rape? At si Janet Napoles pa? Ayon sa upak ni Sen. Gordon, “Bakit nila pinapalitan ‘yung charges? Paano naman makakapang-rape si Napoles?” Tiyak ganyan din ang itinatanong ngayon […]
Faeldon, sibak na!
September 7, 2019
Mula nang pumutok ang kontrobersiya hinggil sa paglaya ng mga preso dahil sa GCTA law, marami ang nakapuna na medyo tahimik ang Malakanyang. Ang hinala, baka naghihintay lang daw ng tamang panahon bago ibuka ang bunganga. At kamakailan (Sept. 4,2019) pumutok na ang bulkan! Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang bumanat. Dahil sinuway daw […]
Utos sa AFP, Tapusin na ang mga NPA Rebels!
September 2, 2019
Grabeng tindi na itong bagong utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa AFP – TAPUSIN NA ANG NPA REBELS! In short…lipulin na sila. Santa Clarang pinongpino… gabayan mo ang aming bansa baka magkagiwanggiwang ang takbo. Baka bumangga kami sa buntis, mas delikado. Naku po, inang kong matimtiman…ano kaya ang mga kaganapan kapag ipinatupad na ng military […]
Nang-rape, pumatay, lalaya?
August 27, 2019
Ano ba ireng bagong kontrobersiyang bumalagbag sa sosyodad ngayon? Sino nga bang di mapapa-maryusep sa ulat na ang mga rapist at murderer ay puwede na palang lumaya? Totoo ba ire? Anyare? Sinong nag-say? Korte Suprema, pards, Korte Suprema, ang kataas-taasang korte sa ating bansa. Period. Pero teka, hihirit muna tayo ng mga kurokuro, haka-haka, reaksiyon, […]
Pagtanggap ng regalo, gusot pa rin!
August 20, 2019
Sala-salabat na mga kurokuro at tsismisan ang naging bunga ng banat ni Pres. Duterte kamakailan na hindi bawal tumanggap ng regalo ang mga pulis kung ito ay bilang pagkilala sa kanilang trabaho. Marami ang hindi sumang-ayon sa naturang mensahe. Ito raw ay bawal dahil may batas sa bansa na sumasaklaw na naturang isyu. Kaya tuloy […]