Category: Daplis Walang Mintis

Ninja Cops… Bakit di mapuksa?

Bakit sa halip na mapuksa ay parang dumarami pa daw ang mga Ninja Cops? Maryunes! Aba’y marami pang mabibiktima ng illegal na droga, pards. Ano bang nangyayari? Nagbubulag-bulagan lang ba ang ating pamahalaan o talagang di makakita? Maryunes uli! Anyari? Sige…bulatlatin natin hanggang sa kaliit-liitang kota nila pero bato-bato sa langit muna, hane! ****** Tanong: […]

Bilibid, may bagong hepe. May kaso?

Habang sinusulat ang Daplis ngayon (Setyembre19), patuloy ang isinasagawang Senate hearing (Blue Ribbon Committee) hinggil sa GCTA at mga nangyayari sa Bilibid o BuCor. Naisama pang naungkat ang hinggil sa bentahan ng droga mula sa mga nakukumpiska ng mga otoridad. Ito ay ulat na mismong pinanindigan ng dating CIDG head na si Mayor Benjamin Magalong […]

Janet Napoles, kasong Rape ang naka-rekord?

Si Janet Napoles na tinaguriang reyna ng maanomalyang PDAF at kinasuhan ng “plunder”, naging “rape” ang nakalistang kaso sa BuCor? Papano nangyari ire? Isang babae, may kasong rape? At si Janet Napoles pa? Ayon sa upak ni Sen. Gordon, “Bakit nila pinapalitan ‘yung charges? Paano naman makakapang-rape si Napoles?” Tiyak ganyan din ang itinatanong ngayon […]

Faeldon, sibak na!

Mula nang pumutok ang kontrobersiya hinggil sa paglaya ng mga preso dahil sa GCTA law, marami ang nakapuna na medyo tahimik ang Malakanyang. Ang hinala, baka naghihintay lang daw ng tamang panahon bago ibuka ang bunganga. At kamakailan (Sept. 4,2019) pumutok na ang bulkan! Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang bumanat. Dahil sinuway daw […]

Utos sa AFP, Tapusin na ang mga NPA Rebels!

Grabeng tindi na itong bagong utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa AFP – TAPUSIN NA ANG NPA REBELS! In short…lipulin na sila. Santa Clarang pinongpino… gabayan mo ang aming bansa baka magkagiwanggiwang ang takbo. Baka bumangga kami sa buntis, mas delikado. Naku po, inang kong matimtiman…ano kaya ang mga kaganapan kapag ipinatupad na ng military […]

Nang-rape, pumatay, lalaya?

Ano ba ireng bagong kontrobersiyang bumalagbag sa sosyodad ngayon? Sino nga bang di mapapa-maryusep sa ulat na ang mga rapist at murderer ay puwede na palang lumaya? Totoo ba ire? Anyare? Sinong nag-say? Korte Suprema, pards, Korte Suprema, ang kataas-taasang korte sa ating bansa. Period. Pero teka, hihirit muna tayo ng mga kurokuro, haka-haka, reaksiyon, […]

Pagtanggap ng regalo, gusot pa rin!

Sala-salabat na mga kurokuro at tsismisan ang naging bunga ng banat ni Pres. Duterte kamakailan na hindi bawal tumanggap ng regalo ang mga pulis kung ito ay bilang pagkilala sa kanilang trabaho. Marami ang hindi sumang-ayon sa naturang mensahe. Ito raw ay bawal dahil may batas sa bansa na sumasaklaw na naturang isyu. Kaya tuloy […]

Operasyon ng PCSO, bakit kaya sinuspende?

Agosto na! Susunod na rin ang mga buwan ng BER. Pero marami ang nagkikibit-balikat kung may halaga pa ba ang Disyembre sa likud ng mga sandamukal na mga problema sa bansa sa kasalukuyan. Liban sa matagal nang usapin o gusot sa West Phil. Sea, Diborisyo, Death Penalty, Charter Change, Federalismo, dagdag sahod sa mga guro, […]

Sampalin mo!?

Sampalin mo! Bakit mistulang lamok na dengue ang katagang “sampalin” at umugong sa lahat halos ng kaliit-liitang sulok ng ating bansa. Ano ba ire? Pards, yan ang bilin ng pangulong Duterte kontra sa taumbayan kontra sa mga makakati ang palad na mga trabahador ng gobyerno! Sampalin o gumawa kayo ng eskandalo sa kanyang opisina, ika […]

Pambabastos, supalpal na!

Habang abala ang ating pambansang kamao na si Senador Manny Pacquiao para sa kanilang laban ni Keith Thurman bukas sa Las Vegas at laban niya kontra British boxer Amir Khan sa Nobyembre 8, abala rin ang buong bansa at pinagpiyepiyestahan sa tsismisan corners ang isyu ng Anti-Bastos Law. Supalpal na daw to the max ang […]

Amianan Balita Ngayon