Category: Editorial
Parang kailan lang, naka-anim na taon na pala tayo
September 3, 2017
Parang kailan lang nang idaos ng Amianan Balita Ngayon ang kaniyang unang taong selebrasyon ng pagkakatatag. Sa bilis ng panahon ay parang panaginip lamang na narating na pala natin ang anim na taon ng pagbibigay serbisyo sa publiko, komunidad at bayan sa larangan ng pagbabalita at pamamahagi ng mahahalagang impormasyon.
Panganib ng Bird Flu, huwag isantabi
August 27, 2017
Kahit pa sinabi ng mga awtoridad na walang direktang malalang epekto sa kalusugan ng tao ang bird flu na una ng umatake sa mga poultry farm sa San Luis, Pampanga at sa Jaen at San Isidro, Nueva Ecija ay kailangan pa ring mag-ingat ang mamamayan. Subalit may mga ulat na may mga namatay na rin […]
Pederalismo man o awtonomiya, may pagbabago pa ba?
August 20, 2017
Ngayon ay malinaw na tila namimiligro na naman ang adhikain ng mga tagasulong ng isang awtonomiya sa rehiyong Cordillera. Matapos ipakita ng mga opisyal sa rehiyon at mga mambabatas nito ang pagkakaisa, hindi lamang ang pag-ikot ng ‘unity gong’ sa buong rehiyong Cordillera upang maisulong ang awtonomiya kundi ang pagkakaisa ng mga lider na mukhang […]
Higit kailanman, Coolest Palaro ngayon na
August 13, 2017
Taong 1996 ay sinubukan ng lungsod ng Baguio na lumahok sa bidding upang maging punong-abala sa prestisyosong taunang Palarong Pambansa subalit naging matamlay ito at hindi na muling naulit pa. Ang Palarong Pambansa ay isang taunang multi-sport event na nagsimula pa noong 1948 na nilalahukan ng mga atletang-estudyante mula sa 18 rehiyon ng bansa na […]
Towing ordinance at carless day ordinance, sana noon pa ipinatupad
August 6, 2017
Isa sa nakitang dahilan ng pagsikip ng trapiko sa lungsod ng Baguio ay ang maraming sasakyan na nakaparada sa kung saan-saan, sa magkabilang gilid ng mga daan, sa mga pangunahin man o mga kalye sa barangay na nagiging sagabal sa maluwag sanang daloy ng trapiko. Nagkaroon na ng Anti-Road Obstruction (ARO) na batas at naatasan […]
Bakit hindi binanggit ni Digong ang Cordillera Autonomy sa SONA?
July 30, 2017
Nang sa wakas ay pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas sa Cordillera Autonomy bilang isang urgent bill o priority bill ay marami ang nagsaya lalo na ang mga pangunahing mambabatas at personalidad na nagsusulong nito. Umasa rin sila na babanggitin ito ng pangulo sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) at […]
Otonomiya ng Cordillera urgent bill na, ngunit isang usad pa lamang ito
July 22, 2017
Sa wakas ay may rason na upang magbunyi kahit paano ang mga nagsusulong ng isang otonomiyang gobyerno sa rehiyong Cordillera at mabigyan din ng munti at panimulang bagong pag-asa ang mga taga-Cordillera na naniniwala’t umaasam nito. Ang dahilan?, pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang House Bill 3454 na humihiling na gawing “urgent bill” […]
Limang taon ng Batas Militar, limang simpleng dahilan?
July 16, 2017
Sa susunod na Lunes, Hulyo 24, 2017 ay muling haharap ang Pangulong Rodrigo R. Duterte sa bayan para sa kaniyang ikalawang “State of the Nation Address” (SONA) na taunang inaabangan ng mamamayang Pilipino lalo na ng mga mambabatas, mga opisyal ng gobyerno at mga pribadong lider ng ekonomiya, iba’t ibang industriya, kumpanya, sektor at maging […]
Circumferential Road, lubhang kailangan na
July 9, 2017
Sa pag-usad ng mga taon ay palubha na ng palubha ang kalagayan ng trapiko, saan man lugar na kung saan nagkukumpol-kumpol ang karamihan ng tao- sa mga mauunlad o sentro ng kalakalan na siyudad, bayan o probinsiya. Isa ang lungsod ng Baguio na maituturing na may malubhang problema sa trapiko at ngayon ay unti-unti na […]
Pambansang Awit, dapat igalang at awitin nang wasto sa lahat ng pagkakataon
July 2, 2017
Maituturing na malaya ang isang bansa kapag may sarili itong pambansang awit at nagsisilbing sagisag din ng kasarinlan at inspirasyon sa pagiging makabayan. Inaawit ang pambansang awit sa mga opisyal na pagdiriwang at aktibidad ng gobyerno, mga ahensiya, mga opisina ng gobyerno at maging sa mga pribadong aktibidad na malalaki. Subalit sa pag-usad ng panahon […]