Panganib ng Bird Flu, huwag isantabi

Aug 27, 2017

Kahit pa sinabi ng mga awtoridad na walang direktang malalang epekto sa kalusugan ng tao ang bird flu na una ng umatake sa mga poultry farm sa San Luis, Pampanga at sa Jaen at San Isidro, Nueva Ecija ay kailangan pa ring mag-ingat ang mamamayan. Subalit may mga ulat na may mga namatay na rin sa ibang bansa dahil sa bird flu kaya hindi rin dapat isaalang-alang ang dulot na pinsala nito sakali mang mahawa o makontamina ng nasabing virus.
Ang lungsod ng Baguio ay isang lugar na highly urbanized at maraming tao, bisita man o residente, gayundin ay marami ng mga negosyong manok ang pangunahing hain. Kilala rin ang lungsod at Cordillera na isa ang manok sa pangunahing gustong kainin kaya malaki ang demand dito.Ang probinsiya ng Benguet ay kilala ring taniman ng mga gulay na pinagkukunan ng buong bansa at marami pa ring magsasaka rito ang gumagamit ng ‘chicken dung’ bilang mga pataba, at ayon sa mga awtoridad ay maaaring makontamina ang mga dumi ng manok ng bird flu virus na maaari ding maikalat sa mga pananim at sa mga taong humahawak nito.
Bagama’t walang kaugnayan ay maaalalang lumalala na rin ang kaso ng ‘Japanese Encephalitis’ o ang pamamaga ng utak at dumarami na rin ang namamatay sa sakit na ito. Ang Japanese encephalitis ay nakukuha sa mga dumi ng kalapati.Lumabas ang ulat ng mga dalubhasa na may virus ng H5N6 na dulot ng Bird Flu. Noong una ay nagkaroon ng paglipana ng H1N1 virus na nagdukot ng pangamba at panganib sa kalusugan ng mga tao kaya dapat ibayong pag-iingat ang gawin ng tao upang maiwasan ang mga maaaring idulot na panganib sa kalusugan at buhay ng tao.
Kahit pa magtatag ng mga quarantine checkpoints ang mga awtoridad ay hindi malayong may makakalusot pa ring mga manok o kauri nito kaya sa simpleng pag-iingat ng tao sa pamimili at preparasyon ng mga kakaining manok gayundin ang pag-uulat sa mga awtoridad ng mga hinihinalang may sakit na mga manok at kauri nitong hayop.
Ang pagtugon sa problema sa Bird Flu at epekto nito hindi lamang sa kalusugan kundi maging sa hanap-buhay ng mga tao at ekonomiya ay hindi makakaya ng gobyerno lamang kundi kailangan din ng pakikipagtulungan ng mamamayan. At kahit sinabi ng mga opisyal ng lungsod at probinsiya ng Beneguet na wala pa ring kaso ng bird flu sa rehiyon ay hindi tayo dapat magwalang-bahala at dapat maging alerto. PMCJr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest